Suga 1 - (Jerk is His Middle Name)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi, uhmm. Pupunta kayo sa room A12? Pwede makisabay?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis sa noo. Haggard na ako. First day pa naman.

"Uhh. Sure!" nakangiting sabi nung babae. "I'm Elize, by the way. At ito naman si Arnold aka Aikee."

"Ako naman si Carmille. Baguhan kasi ako dito. Saan ba ang room A12? 1st floor, 2nd or 3rd floor?" tanong ko. Nagkatinginan lang sila. Anyare?!

"Girl, kung sino man nagsabi sayo na andito sa building na 'to ang room A12, ipapatay mo na! Ohmygahhd! Nilo-lost and foundings ka lang niley." maarte with matching alien language na tugon sakin ni Aikee.

Wait? ANODAAAW? Tinuruan nila ako ng maling daan? At ako naman si tanga, na-fall sa charm and ka-gwapingans nila. Ayy naku talaga, Carmille. Sarap mong bigyan ng jacket tapos sakalin gamit yung jacket!

"Walangya naman oo!!!" sigaw ko. Eh galit ako. Sabi di ba, bawal magkimkim ng galit nakakapagpangit. Ayoko nga! Panget na nga, magpapa-pangit pa! Hayyy.

"Oh, wag nang busangot girlalu. We have schooling so let's gora na! Late na tayo sa englishining lesson ni Sir Pilapil. Let guuu!" sabi niya sabay hila saamin ni Elize.

**********

Nakatayo lang kami sa nakasaradong pinto ng Room A12. Nadaanan ko na 'to eh. Bat di ko napansin? Bulag ata ako, baka slight lang. Naririnig namin ang start ng discussion sa loob about Parts of Speech, parang review something. Nahihiya naman kami pumasok kasi ayon kay Aikee, terror teacher daw si Sir Pilapil eh. -________-

"Pasok na tayo!" sabi ni Elize

"Mahiya ka, ateng! Late na nga tayo mang-iistorbo ka pa! Wir is yur manners?" sabi sabay irap ni Aikee.

"Alangan naman tumulala lang tayo." malungkot na sabi ko.

"Ayaw nyo yan? Grand Entrance!" nakangiting mungkahi ni Elize.

"Sige, try mo! Goodluck ha! May bongga ka ding grand entrance sa guidance office, keri--" di na natapos ni Aikee yung sasabihin niya dahil biglang bumuka yung pinto at isang lalake na nakasuot ng salamin na may balbas ang tumambad sa amin.

"Sir?! Paano niyo po nalaman na andito kami sa labas?" gulat na tanong ni Elize.

The man just sighed. "Sa lakas ng boses nyo sa tingin nyo di ko mahahalata na nakatambay kayo sa labas? GET INSIDE!!" sigaw niya samin.

Ohgahhhd! Terror nga.

Uupo na sana kami sa vacant seat sa likod ng biglang,

"Excuse me. Be polite and Introduce yourself first." sabi ni Sir sa unahan.

Okayyy paynnnn. Ang walang katapusan at walang ka-cliché’an na self-intro.

"I'm Elize Vergara, 17 years old. NIce to meet you."

"Hello-lalu! My name akis and that is Aikee Lopez, the one and only pretty of this instution. If you disagree, suntukan ano? Kidding. Mwa mwa!"

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon