Suga 44 - Let Go

9K 389 542
                                    

       

44





SHAWN's POV


Why don't you love me?
Touch me, tell me I'm your everything
The air  you breathe
And why don't you love me, baby?
Open up your heart tonight
'cause I could be all that you need
Ohhhh
Why don't you love me?
Why don't you love me?





Napairap nalang ako sa kantang Why Don't You Love Me by Hot Chelle Rae na pinapatugtog ni Seth. Naiirita ako.

"Seth! I-off mo nga 'yan, kapag nagising si Carmilita ko babangasan kita!" Threaten ko sakanya.

Napangisi lang sakin si Seth, para bang inaasar ako lalo. Isinaksak niya nalang ang earphone sa tenga niya at sa waka nawala din ang kantang 'yun. Bwisit na 'yun.

Di ko alam kung galit ba ako dahil sapul na sapul ako nung kanta o sadyang ayaw ko lang talagang magambala ang tulog ni Carmille. Kung anuman ang rason ko, psh, wala akong pakialam.


10:41PM


Nandito kaming tatlo nila Seth at Jace sa apartment ni Carmille, kami ang magbabantay sakanya ngayon. Ilang buwan na kaming nag-aalala sakanya. Mula nang iwan siya ni Keith, naging malumbay ang Carmilita ko.

Masakit isipin na nagkakaganyan siya sa taong mukhang wala nang pakialam pa sakanya. Three months had passed alreay, pero ni isang tawag wala man lang natatanggap si Carmille.

Kahit na nagseselos ako kay Keith, ginusto ko din na tumawag siya kahit papano para kay Carmille. Hindi naman ako ganoon ka-selfish. Tsaka, isasakripisyo ko lahat para lang sumaya si Carmille.

Ganun ko kamahal ang babaeng 'to kahit na sa mata niya, kaibigan lang ako.

Lumabas na ng kwarto sila Seth at Jace at nagpaalam na manunuod daw sila ng TV sa may sala, ako naman naiwan kasama si Carmille. Nakahiga na siya sa kama niya, samantalang ako nakaupo sa malapit na silya at pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Ilang araw na akong nandito dahil ayaw kong mag-isa siya at magmukmok na naman. Mas mainam nang may nagbabantay sakanya.

Gusto ko nandito lang ako, kahit na alam kong hindi ako yung taong gusto niyang makasama.

Biglang pumasok sa isip ko yung mga nangyari nung isang gabi...





"Carmilita ko, may dala akong pagkain. Kain ka muna, oy." yaya ko nang pumasok ako sa kwarto niya pero di ko siya natagpuan dun.

Lumabas nalang ako ulit saka nilapag ang pagkain sa may mesa. Then, I found her  outside. Sa may back door, nakaupo lang at naka-earphone.

Hindi ako—I  mean, Kami--hindi kami sanay na nakikita siyang ganyan. Usually, kapag nakikita niya ang Stanville Army nakikipagbiruan or nambubully siya, pero kamakailan lang, nang magkita sila ni Red, niyakap niya si Red saka umiyak.

Hayyy.

Lumapit ako sakanya saka dahan-dahan na inalis ang earphone niya. Sa gulat niya, halos masapak niya ako.

"Bwisit ka, Shawnito!  Akala ko kung sinong magnanakaw." gulat niyang sabi.

"Magnanakaw ako. Nanakawin ko puso mo." asar ko saka nag-boxsmile sakanya.

Tiningnan niya lang ako ng diretso sa mata saka ginulo ang buhok ko.

"Baliw." komento niya.

Oo, baliw. Baliw sayo.

Ilang segundo kaming tahimik, naiilang ako sa katahimikan. Hindi ako sanay na hindi siya madaldal, o kaya hindi niya ako tina-trashtalk. Kinuha ko ang kamay niya.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon