Suga 1 - (Jerk is His Middle Name)

26.3K 860 512
                                    

1

1st subject - English IV 7:00-8:00 room A12

 FUSCHIA! Saan ba ang room na ‘to?

Luminga-linga ako sa bahay-kubo. Peste! I mean, sa buong paligid.

At may gwapong nilalang akong na-spot sa di kalayuan. Ang mata ko talaga parang show ni Kuya Kim: MATANGLAWIN. Tumawa kayo mge bh3.

"Ehem, Uhh excuse me." sabi ko.

 Lahat sila naguusap-usap, at ng magsalita ako lahat sila napatigil at tiningnan ako from head to toe. Nakaka-awkward at nakaka-self conscious at the same time. Ganun ba ko kaganda at chini-check out nila ako. Hep! Nakakamatay ang pagiging assuming.

"Yeah?" impormal na sagot ng isang lalakeng gulo-gulo ang buhok. Yung tipong bagong gising pero ma-appeal ang dating. Maputi siya kesa sakin kaya nakaka-insecure, mapungay ang mata, matangos ang ilong at ang pula ng lips. Teka, engkanto ba ‘to? Ba’t ang puti? huehue

"Pwede ba magtanong? Saan ang room A12? Baguhan lang kasi ako dito eh." sabi ko with matching smile. Para naman presentable, di ba?

Nagtinginan muna silang lahat. Lima sila eh. Lahat gwapo! 

"Uh, nasa kabilang building yun eh. Lahat ng room A's andun, including A12." he said with a smirk on his lips. Pasimple namang humahagikgik yung mga kaibigan niya. Bat sila tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ni Kuya gwapo? Tatawa na din ba ako?

"Ah talaga?"

"Yep." sagot nung katabi niya tapos inakbayan niya yung kausap ko. "Makikita mo naman yun agad eh. Goodluck sa first day mo!" then he wink. Oh shemayyy. Kinikilig ang lola niyo!

"Hehe. Salamat." nagsmile ulit ako bago umalis. Nang nakatalikod na ako, mas lumakas yung tawanan nila.

At narinig ko yung isa na nagsalita ng, "Ayos, pare!" tapos tawanan na naman sila.

Oh well, wala na akong pake sa usapan nila. Basta ako, nagmamadali dahil ayaw ma-late.

"Putrages! Saan ba dito ang room A12?" naiinis kong sabi habang naglalakad ulit sa third floor ng building na tinuro sakin nung mga gwapong lalake. ULIT, kasi pabalik-balik na ko simula 1st hanggang 3rd floor. Sa totoo niyan, na mememorize ko na nga yung mga room nmuber eh. Room B09, B10 etc. Wala dito yung room A12. At pagtingin ko sa wristwatch ko 6:58. -_____- 2 minutes nalang and I'm doomed!

May dumaan na babae, kasama isang beki.

"Girl, late na tayo sa room A12. Bat kasi sa back gate ka pa dumaan? Tara na sa klase ni Sir Pilapil sa english."

Ok. I know it's bad to eavesdrop, pero di maiwasang tumaginting ng tenga ko ng marinig ko ang salitang "ROOM A12" Dali-dali akong lumapit.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Where stories live. Discover now