Suga 57 - Last

6.4K 388 666
                                    

57 - warning + adv sorry ;; sumbong kayo sa barangay mamaya loljk pls play media for feelz ;; thank you for 200k reads kaiyaq kayo labyuuu





CARMILLE's POV

Malumbay na napaiwas sa akin ng bahagya si Keith. Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lamang si Keith saka napayuko.

"Okay. Uh, I'll go ahead. Aayusin ko na gamit ko." paalam niya.

Tumang-tango nalang.

Napapikit nalang ako sa mga nangyayari. Iniisip ko kung ano ba yung nasabi at nagawa ko. Sinayang ko ba yung chance na makasama si Keith? O tama yung ginawa kong pakawalan nalang siya? Kahit naman anong gawin ko ngayon, hindi nun mababago ang nagawa ko sa nakaraan.

"G-gusto mo tulungan kita sa pagayos ng gamit mo?" nangingig ang boses ko siya. I don't know but I felt like I'm torturing myself with this.

"No thanks. You've done enough." Aniya.

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan ni Keith, then he turned his back at me.

"Keith, sandali!" tawag ko sakanya.

Napalingon naman siya kaagad sa akin. Huminga ako ng malalim. I've prepared myself for this. Kapag ginawa ko 'to wala nang bawian. Nanginginig ang kamay ko kahit na di ko pa ginagawa, I'm mentally prepared pero bakit pinipigilan na naman ako ng puso ko?

Unti-unti kong inalis ang nakasabit na kwintas sa leeg ko.

Then I handed it back to him, like, I handed my throne and crown to him.

Tahimik naman na tinanggap yun ni Keith. Though his gaze is asking me, like, are you sure? Talaga lang, Carmille? Pero hinayaan ko na. Kahit naman magpanggap pa kaming okay, hindi na nun mababago yung fact na wala na talaga. We may have feelings for each other but, its easier to just give up. Tiningnan lang ni Keith yung kwintas, di ko maintindihan kung bakit naramdaman ko na medyo malungkot at disappointed siya sa ginawa ko. In the end, nilagay niya ito sa bulsa niya.

And it's my turn to feel, somehow, disappointed. Ang gulo!

Sa totoo lang, ini-expect ko na hindi siya papayag, dahil ganun yung aura na pinapakita niya. At nasaktan ako bigla nang sinabi niyang,

"Thank you." Then he left.


*****





Kakalabas ko lang sa isang café. Halos buong araw akong nag-wifi since libre naman. Umuwi lang ako sa villa kanina para maligo tapos balik internet na naman. Parang gawain ni author eh. Naka-chat ko si Shawn, at gageung-gageu siya nang malaman na kasama ko si Keith. Kwinento ko sakanya na binalik ko na yung necklace, I told him how I wanted to give up already. Sunod ko namang kinausap sila mommy na nasa ibang bansa, maganda ang results ng therapy ni Kuya Johann abroad. Estimated na baka next month makauwi na sila since gumagaling na si Kuya. That's a relief. Hindi man happy ending ang samin ni Keith, at least sa family ko nalang.


Nakatunganga ako sa orasan na nakadisplay sa café. 7:30PM na. Gabi na.

I'm sure na nandito na yun si Vanessa para sunduin si Keith. Uuwi na silang dalawa na magkasama, and when they reach home, happy ending na sila. Habang ako, eto, miserable. Kahit na disappointed ako sa ginawa ko kanina, kahit papano masaya na din ako. Masyado nang mabigat yung dinadala kong sakit sa relasyon namin ni Keith.

Although, may parte sa utak at puso ko na medyo umaasa pa rin sa inaasam kong happy ending namin.

Naglalakad na ako pauwi ng villa ng may makita akong babae na palabas ng kotse. At nang mkakilala ko kung sino siya, agad na napakunot ang noo ko dahil sa inis sakanya. Sabi ko na, dapat nilunod ko na 'to nung may pagkakataon e.


Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon