Suga 40 - Fear

9.5K 442 663
                                    

40 - Sorna po sa matagal na UD. ;( Hinabaan ang UD para makabawi. :*

btw, swaeg thank you @baekhyunstan sa new cover. :)



Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Xander. Ewan ko nga sa lesheng 'to masyadong mabait sa akin. Di kaya may malala na siyang sakit? O kaya may taning na ang buhay niya? Ahuehue jk.

Maaga siyang pumunta sa apartment at hinintay ako ng walang reklamo kahit na sobrang tagal ko. Sinapian yata siya ng pagka-good mood ngayon. O baka naman may binabalak ang gay na 'to? Ewan. Sakyan nalang natin ang trip niya.

Nakarating naman kami ng maaga, pero marami-rami na din ang mga estudyante ang naroon. Habang naglalakad sa hallway, may mangilan-ilan na nakatingin sa amin. Yung iba may pabulong-bulong pa, dinig naman. Tatanga lang. -_-

"Sila na ba?"In my dreams. Ahuejk

"OMG! Akala ko BFF lang sila?"Finifriendzone ako ng ulol na 'to ah!

"Malandi pala yang Carmille."Aba pakyuew! Selos ka lang!


Bigla-bigla nalang na hinawakan ni Xander ang kamay ko at mas lalo pa akong pinalapit sakanya. Lalo namang naglakasan ang bulungan ng mga punyaterang chismosa sa school. Yung iba naman napatingin nalang sa magkahawak na kamay namin ni Xander. Geh! Mamatay kayo sa inggit! Sagot ni author palibing! Mga echoserang malisyosa!

"Don't mind them." Sabi sakin ni Xander.

"Kung yang mga chismosang yan? Nevermind talaga." Mataray kong sagot.

Nakita kong napangiti si Xander, "That's why I like you."

Agad akong napatingin sakanya. Luh~ Nudaw? Etong gageung 'to nagpapakilig na naman! Like daw. HINDI AKO STATUS SA FACEBOOK!

Mabilis ang tibok ng puso ko—at lalo pa yung bumilis dahil sa mga susunod na pangyayari.

At hindi yun dahil sa kilig.

Dumaan ng mabilis si shawn sa tabi ni Xander. Seryoso ang tingin, nakakunot ang noo. Halata naman sinadya niyang sagihin sa balikat ni Xander. Dahil dun, napaatras ng kunti si Xander at napabitaw pa sa akin. Hinarap niya si Shaw, sinundan saka kwinelyuhan.

Akmang susuntukin ni Xander si Shawn...

"XANDER!!"

Xander's first stopped mid air. Pareho silang nang gagalaiti sa isa't isa. Hindi ko alam kung magkaaway ba sila at kung ano ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa. Mga gageu, sa harap ko pa may balak na magbugbugan! Sila kaya bugbugin ko?!

"I'll let this pass, Villareal. Kapag talaga ako napuno sayo, gugulpihin kita." Threat ni Xander kay Shawn

Eto namang alien, nag-smirk lang. "I'll also let this pass, Aquino. Kapag nakita ko pa kayong dalawa na magkasama, papatayin kita."

Marahas na inalis ni Xander ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Shawn saka niya hinawakan ang kamay ko. Tumingin na sa akin ng saglit si Shawn saka tuluyan ng umalis. Nakakatakot yung aura ni Shawn, parang mangangain ng buhay. Luh~ Di yata nakakain ng Halo-halo sa breakfast.

Teka nga! Ano ba yung pinagaawayan ng dalawa? Mga muntanga. -___-

Pero, yung paraan ng pagtingin sakin ni Shawn, at sa magkahawak na kamay namin ni Xander—pakiramdam ko dawit ako sa away nila.

Fuchsia! Bakit ako na naman?!

*****



Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon