CHAPTER 6: Frustrated

Start from the beginning
                                    

In-enter ko ang password sa lintik na condo ko at pumasok na do'n. Voice password naman talaga 'yun, ang kaso, eh, walang kwenta talaga dahil baka naman marinig ng lalakeng 'yun ang password ko. As if naman eepekto 'yun. Bwisit!

Inihagis ko na ang bag ko sa sofa nang makapasok ako at inis na sumalamapak ng upo ako do'n. Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration, bakit ba kami lagi na lang nagkikita?

Sawang-sawa na kaya ako sa mukha ng demonyong lalaking 'yun! Kahit na oo, inaamin ko ang gwapo niya, cool at ang hot pang tingnan sa simpleng outfit niya pero, nakakainis talaga siya, eh! Buti sana kung puro looks lang, kaso kailangan A+ din ugali niya.

Nag-shower na lang ako para makapagpalamig nang kaunti at dumiretso na ako sa pagtulog agad dahil wala naman kaming homeworks, o baka meron tapos nakalimutan ko lang.

Bahala na. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na kalimutan ang mukha ng lalaking 'yun na mukhang imposible dahil pati sa panaginip hinabol niya ako.

Umiinom siya ng tsaa habang nasa isang templo siya. 'Yung buhok niya — I mean, 'yung ulo niya parang kay Avatar. Iyong bata na nag-i-air bending. Ibang klase. May pa-arrow talaga siya sa ulo. Bagay.

Pinatay ko na ang alarm clock ko. 6:30am pa lang ngayon pero proud ako na sabihin na ayos na ako. Gising na gising at ready to fight!

Nagising kasi ako dahil biglang natuto nang mag-fire bending 'yung lalaking 'yun sa panaginip ko. Takot ko na lang kaya hindi na ulit ako nakatulog, kaya heto, napaaga ang pag-aayos ko para makapasok.

Masaya akong lumabas ng unit ko pero napatigil ako nang lumabas rin ang nasa katapat ng unitvko. Babae siya. May kaliitan siya, maputi, singkit ang mga mata, mapupula ang mgqlabi at kumakaway sa akin ang pink niyang pang-pusod ng buhok.

Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako sa kanya. Ang cute niya.

"Good morning.." bati ko sa kanya.

"Hi, good mording din," bati rin niya at sabay na kaming naglakad papunta sa elevator.

"Ako nga pala si Sofia. Sofia Reyes," pagpapakilala ko. 'Di ba ang friendly ko? Ganyan talaga ang mga magaganda!

"Hi, Sofia, ako naman si Reachel Dela Vega," nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Medyo OA na nga dahil natawa siya nang bahagya. Feel niya siguro na sinusubukan kong umarteng nagulat, pero nagulat talaga ako!

"Dela Vega?" At ngayon ko lang napansin na pareho kami ng uniform na suot. Bakit ngayon ko lang napansin?

"Yup, sister ni Ronnel Dela Vega.." nakangiting saad niya. Napangiti na rin lang ako nang peke. Grabe, siya pala 'yun! "Nakukwento ka nga niya sa akin."

Napalingon naman ako sa kanya at nakasakay na kami ngayon sa elevator.

"Nakukwento?" Bakit naman ako kinukwento ng demonyong 'yun? At the most important matter, ano naman ang mga kwento niya?

"Yup. Don't worry, Kuya is an honest person, he never lied," napatango na lang ako. Buti naman, kaso masasama kaya ang mga ginagawa ko sa kanya noon. Kung makanoon naman ako, eh, kahapon kamo.

Sabay na kaming naglakad papunta sa university dahil nga sa malapit lang naman talaga 'to. Grade 9 lang pala siya kaya 'di ko siya masyadong napapansin sa school.

"Sige, ha, mauna na ako?" Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero napatigil ako dahil nadatnan ko sa pinto ng room namin si Mr. BRG na nakatayo habang nakatuon pa frame nito. Pa-super model ang drama! Feeling pogi, pogi naman talaga! Bwisit.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon na tanong ko. Feeling ko kasi ako 'yung pinunta niya dito. Yes, ako na po ang Queen of all Assumings of the Year. Pinasa na sa akin ni Patricia ang korona.

"Checking if you will attend your class?" Patanong na sagot niya.

Umayos na siya sa kanyang pagkakatayo at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Feeling ko, hinuhubadan niya ako sa tingin. Kadiri! Nakakakilabot kaya!

"Stop that!" Sigaw ko at napatigil nga siya kaya sa mata na lang niya ako tiningnan.

"Okay," tipid na sagot niya. Grabe, lalo lang ako napu-frustrate sa pagiging kalmado niya. Sapakin ko kaya 'to.

"Stop being calm!" Sigaw ko pa rin.

"Why? This is me. Ayoko namang mag-panic, ano," nakakunot-noong sagot niya at napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung naggagaguhan kami o ano, eh.

"That's not my point! Naaasar ako kapag kalmado ka lagi," honest na sagot ko.

"Okay but I can't change. So, is there anything you don't want about me?" Napakunot-noo naman ako sa tanong niya.

Bakit niya tinatanong? Pwede ko kayang sabihin na lahat?

"Stop being stupid," at nilampasan ko na siya pero sumunod siya hanggang loob ng classroom namin at umupo sa tabi ko.

"I'm not stupid," nakatingin pa rin kami sa isa't isa.

"Yes, you are. Kaya pwede ba, umalis ka na?"

"What if I don't want to?" Hamon niya at heto na naman ako pinipigilan ang inis ko.

"Magagalit na talaga ako sa'yo!" Nag-iba naman ang ekspresyon niya sa naging sagot ko.

Sa kanina na akala mo nagbibiro ay ngayon naman, seryoso na siya. Ang bilis, ha. Pwede na 'tong mag-artista.

"Okay, see you around.." pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya palabas ng classroom nang nakapamulsa pa.

Ano bang problema no'n? Bipolar yata 'yun, eh? Ay mali, he was not a bipolar . . he was crazy. I felt frustrated just because of him!

My Bossy Rich BoyfriendWhere stories live. Discover now