Chapter 68

1.7K 53 4
                                    

Annyeong Chingu-ya!Try to visit my blog :)It's not done yet but check it out :D

 ---> http://gwiyeoundaera.wixsite.com/social-media-blog


-----


ERINAH'S P.O.V.

"Bessybest yuhoo!" kaway ni Hillary ng kamay nya sa mukha ko pero hindi ko sya pinapansin...

Feeling ko nakalutang parin ako dahil doon sa ginawa ni Stanley....Waaahhh!Para akong nasa cloud nine!

"Erinah?Is there something wrong??" tanong din ni Kuya pero nanatili parin akong nakatulala...

Hindi ko talaga makalimutan yung feeling hanggang ngayon >////<

"Bestfriend!!!Nadetention kaya ako dahil sayo!!!Kasalanan mo 'to!!" sisi pa sakin ni Kyle dahil doon sa pagliligtas nya sana kay Stanley sa kahihiyan.

Lahat sila ay tinatawag ako pero wala akong pinansin kahit isa...Bakit ba hindi nalang nila ako lubayan?Nagmomoment kaya ako dito about sa kiss ni Stanley!!

Speaking of him...Bigla akong nagising sa pagdedaydream ng bigla nyang pitikin ang noo ko.

"So kailangan pala pitikin sa noo si Bestfriend para magising ha...Patry nga,Nang makaganti ako." lapit ni Kyle ng daliri nya sa noo ko pero agad ko yung hinampas.

"Subukan mo lang bali sakin yang daliri mo." sabi ko kay Kyle kaya naman agad syang nagsumbong kay Hillary.Tch!Ang landi talaga nang Kyle na'to!

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at naglulunch.Nasa harap ko si Stanley kaya naman napatitig ako sa kanya ...

"Tss..." rinig kong singhal nya kahit hindi sya nakatingin sakin.Naramdaman nya sigurong titig na titig ako sa kanya.

Psh!If I know nahihiya lang sya sakin dahil doon sa paglalapastangang ginawa nya sa...

"So Steven...ikaw pala ang napiling model para sa Fashion Show bukas.Congratulations." sabi ni Kuya kaya agad akong sumabat.

"Than---"

"Actually si Stanley talaga dapat...Nagback out lang sya kaya nirecommend nya na si Steven nalang." sabi ko at hindi na hinintay na makapagthank you si Steven.

"Ganun ba?Eh bakit ka nga ba nagback out Stanley??" tanong ni Kuya at naagaw nun ang atensyon nya ng bigla na namang tumawa si Kyle.Masama ko syang tinignan kaya naman napahinto sya.

Waaah!Bakit ba hindi ko na isip na itatanong yun ni Kuya...ayan tuloy tumatawa na naman si Kyle kasi alam nya talaga yung totoong dahilan eh.

"Kagagaling nya lang kasi sa sakit Kuya...baka mabinat sya." sabat ko ulit kaya naman masama akong nilingon ni Kuya.

"Bakit ba ikaw ang sumasagot Erinah?Ikaw ba ang tinatanong ko?" tanong ni Kuya kaya naman natahimik nalang ako.

"Erinah's right...Kagagaling ko lang sa sakit kaya nagback out nalang ako." sagot ni Stanley kaya naman napatingin ako sa kanya.

Sorry for making you a liar Stanley...Ang totoo ay kasalan ko...but totoo namang ayoko din syang sumali doon dahil ayaw ko syang mabinat.

"Is that so...pero paano mo naman nalamang nagkasakit si Stanley,Erinah?" tanong sakin ni Kuya kaya naman napalunok ako...Waaahh!Bakit ba ang daming tanong ni Kuya ngayon??

"Ah...ehh...Syempre classmate ko sya at saka seatmate ko pa...diba?!" tanong ko pa kay Stanley saka nilakihan ng mata."Kaya alam ko hehehe..." kunwaring tawa ko pa.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon