Chapter 28

1.9K 66 2
                                    

ERINAH'S P.O.V.

Pagbalik ko ng room may inabot sakin si Yabang na manipis na workbook,hindi nya pala inabot kasi pinukpok nya muna yun sa ulo ko.Jerk talaga!Grr..

"Oh sagutan daw yung page 19-20.Half day lang daw tayo ngayon."

"Talaga?"napangiti ako...Yes!Mapaghahandaan ko na ang plano ko.

"Bat ang saya mo yata?San ka pala galing?"inirapan ko lang sya."Wala ka na doon."saka ko kinuha yung bag ko.

"Bessybest may naisip ka ng talent mo?"imbis na maganda na yung mood ko pinaalala nya nanaman ang tungkol sa pageant na yan.

"Wala pa..Bahala na si Batman."bahala na talaga!sapilitan naman ang pagsali ko dito kaya bat ko pa yan iintindihin..

"May ipapakita ka namang talent sa pageant diba?Kasi kung wala ikaw lang din yung mapapahiya."

-__- Kainis naman!Akala ko pa naman hindi ako obligado sa kalokohang to,yun pala kahihiyan ko pa ang nakasalalay dito...

"Salamat sa pagpapaalala ha? .."sarcastic na sabi ko kay Hillary."Atleast dahil sayo makakaligtas ako sa kahihiyan."

Kaasar lang!Sa totoo lang wala talaga kasi akong talent!Arrgggh ano ba yan!

"Welcome bessybest."syempre dahil isip bata sya hindi nya na gets yung ibig kong sabihin.

Narinig kong nagtatawanan yung dalawang kutong lupa habang nakasunod sa amin.

Napahinto ako saka sila hinarap.

"Anong nakakatawa?"mataray na tanong ko habang nakacross arm pa.

"Hahaha...Wala lang..."sagot ni Kyle."Good luck nalang sa ipapakita mong talent.Kung may talent ka nga.hahaha."si Yabang

"Ah talaga...well magdasal ka dahil oras na mapahiya ako damay ka rin naman."

"Ganun ba?Paano kung sabihin ko sayong talented ako kaya hindi yun mangyayari."ahhh!Yabang talaga kainis.

"Edi ikaw na!Saksak mo sa baga mo yang talent mo!"saka ko hinatak si Hillary at nagpauna na kaming maglakad papuntang Parking Lot.

"Hillary sabihin mo nga?Naaksidente ba si Stanley tapos na untog yung ulo nya?"Kasi kong oo maiintindihan ko kung bat biglang nagbago yung ugali nya

"Ahh..Hindi naman,bakit?"pinag-isipan nya pa talaga ha -__-

"Wala lang,ang laki kasi ng pinagbago nung ugali nya."Ang laki talaga ng pinagbago nya!Kahit na dalawang linggo ko lang sya nakilala alam ko kung ano ang ugali nya,Bugnutin saka laging nakapoker face..pero ngayon?Sobrang layo na!

"Oo nga no?Nito lang naman sya naging palatawa eh."

"Talaga?Hindi kaya nabaliw sya?Pwede kasi yung mangyari sa mga taong sobrang YABANG eh!"sinadya kong lakasan yung boses ko para marinig ni Yabang,nakasunod kasi sila samin.

"Tss.."

Kyaaahhh!Tignan mo!Nakapoker face na sya saka ako inirapan!Hindi kaya baliw na talaga ang lalaking to?

"Hoy yabang nababaliw ka na ba?"

"Tss..Hindi pa naman............pero sayo handa akong mabaliw."

O___O

Nanlaki yung mga mata ko.Seryoso nya kasi yung sinabi...

"Pero syempre joke lang yun."saka sila tumawa ng abno nyang kaibigan sama mo narin si Hillary na nagpipigil ng tawa.

"Hahahahahaha!!Pffttt..."

"Ikaw!!Argghhh!"napapikit lang ako sa inis!

"Bakit akala mo totoo?"sarcastic pa nyang dagdag.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon