Chapter 67

1.8K 49 3
                                    

ERINAH'S P.O.V.

"Sino kayo?...Nasaan ako?...Pakawalan nyo ako!!!" paulit ulit na sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakatali ng dalawang kamay at paa ko.

"Bwisit!Manahimik ka nga!" sabunot sakin ng isang lalaki.Waaahh my precious hair!

Nakapiring din ang mga mata ko kaya wala akong makita at hindi ko alam kung nasaang lugar ako.

"Hoy wag mo ngang sabunutan yung bata!" sabi nung isang lalaki kaya naman naalis na yung pagkakasabunot sakin nung lalaki.

Salamat ha -_-

"Ang ingay eh!Hindi ako makatulog!" reklamo nya pa -__- Alangan naman manahimik lang ako dito pagkatapos nila akong kidnapin eh no?

Mga engot!

"Ano ba kasing kailangan nyo sakin??At sino yang boss nyo ha?!Anong atraso ko sa kanya??" tanong ko pero tinawanan lang ako nang mga baliw.

"Abay malay namin!Napag utusan lang kami."

Lagot talaga sakin yang boss nila...Kung sino man sya humanda sya pagnakalaya ako dito!Ililibing ko sya nang buhay!Dahil sa kanya baka hindi ako makapuntang birthday ni Stanley!

"Pakawalan nyo na kasi ako dito huhuhu...Pupunta pa akong birthday..." pagmamakaawa ko pero tinawan lang nila ako -_-

Huhuhu...Birthday ni Stanley ngayon at sure akong hinihintay ako nun wahhhhh T__T

"Nagpapatawa ka ba?Pinakidnap ka nga ni boss para hindi makaattend sa birthday na yun eh." tawa pa nilang dalawa.

"Ano???!!!!Sabihin mo...sino yang boss mo!Ngayon din!!" galit na sigaw ko dahil mukhang alam ko na kung sino ang may pakana nito.

"Pagbasinabi namin...anong mapapala namin sayo??" tanong nilang dalawa saka na nila tinanggal yung piring sa mata ko.

Pagtingin ko sa kanila ay hindi sila yung inaasahan kong mga goons na nangingidnap sa mga movie...mukha silang mga manong na hirap sa buhay.

"Bibigyan ko kayo nang pera...doble pa sa ibabayad ng boss nyo,Sa tingin ko naman yun ang dahilan nyo kaya nyo 'to ginawa diba?" nagtinginan silang dalawa at parang pinag iisipan yung alok ko.

"Mayaman ako!Halata naman diba?Kayang kaya ko kayong bayaran pakawalan nyo lang ako dito at sabihin nyo sakin kung sino ang boss nyo."pangungumbinsi ko pa sa kanila at ang dalawa...nauto ko nang ganun ganun na lang hahaha...

"Basta wag mo rin kaming isumbong sa pulis..." paniniguro pa nila habang tinatanggal yung pagkakatali sa kamay at paa ko.

"Fine!Whatever!" sabi ko nalang.

Tch!Ang engot naman ng mga kidnapper na'to!Pagtapos mangidnap magpapauto lang din sa kinidnap!

Well mabuti na yun...Atleast malalaman ko kung sino talaga ang may pakana nito.

Lagot ka sakin kung sino ka man =___=


STEVEN'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa birthday ni Stanley nang biglang lumapit ang kapatid kong si Stella.

"Hi Brother!Parang may hinahanap ka?" ngiting ngiti na sabi nya.

Bihira lang maging ganito kasaya si Stella kaya alam kong may ginawa na naman syang kalokohan.Sa tono palang nang boses nya at paraan nya nang pagtatanong ay alam ko na.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon