Chapter 43

1.5K 43 0
                                    

STANLEY'S P.O.V.

Tss...

Bakit ganung klase ang tinanong nila kay Erinah?

Hindi ko alam pero parang gusto kong pigilan kanina yung judge na nagtanong kay Erinah...para kasing hindi bagay kay Erinah ang umiyak...pero ayun pinaiyak nung judges na yun kanina!

Hindi ko alam kung bakit pero sinundan ko si Erinah nung magback out sya.

Pero nawala sya sa paningin ko nang lumitaw sa harap ko si Haie.

"Jake..."

Nakangiting sabi nito.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Are you going somewhere?"

Tss...Paano mo nagagawang ngumiti sa harap ko na parang wala lang Haie?

Hindi na ako sumagot saka sya nilagpasan pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin sa likod.

"W-What are you doing Haie?Bitawan mo'ko!" sabi ko saka hinawi ang kamay nya kaya bigla syang na out of balance.

"Ahhh!"

"Haie!!!"

Napaupo sya sa lupa kaya naman mabilis ko syang tinulungang tumayo.

"I-I'm sorry...hindi ko sinasadya."

"It's okay,I know."

Napabuntong hininga ako.

Bakit kasi kailangan nya pa akong yakapin...Ayan tuloy natulak ko sya.

Mabilis kong kinuha ang braso ni Haie ng makita kong nagdudugo yun.Hindi kasi patag ang tinumbahan nya...ngayon ko lang napansing puro maliliit na bato yun.Andito pala kami sa garden.

"Look what happen?!Dumudugo yung braso mo!"

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa saka yun tinali sa nagdudugo nyang sugat.

"You shouldn't do that Haie...Tignan mo tuloy ang nangyari sayo!Linisin mo 'to mamaya pag-uwi mo,baka mainfection yan."sabi ko saka inayos yung pagkakatali sa panyo.

"Thank you Jake."

Nabitawan ko yung braso nya saka napatingin sa kanya.

"Thank you dahil concern ka parin sakin."

"Don't get me wrong Haie,Kasalanan ko kung bakit nagkasugat ka kaya dapat lang na maging concern ako."

I saw the sadness in her eyes kaya naman parang nakonsensya ako.

"I know...but still I want to say thank you.Thank you because inuna mo 'ko imbis na sundan mo si Erinah."

How did she know na susundan ko si Erinah??

Si Erinah!!

"I need to go Haie!"

Nawala sa isip ko si Erinah!Baka napano na yun.

"Wait Jake...I need to talk to you."

"Not now Haie!"

"But it's really important!I want to explain to you everything...

Kung bakit hindi ikaw ang pinili ko."

Napako ako sa kinatatayuan ko saka napapikit.Naiyukom ko ang kamao ko dahil sa narinig ko.

"Let's talk Jake...Please."hinawakan nya pa ang kamay ko pero agad ko yung hinawi.

"Yung kinanta mo kanina,I know it's for me...Please just let me explain to you..I know mababalik ko pa yung dati."

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon