Chapter 64

1.4K 43 2
                                    

ERINAH'S P.O.V.

Nakaupo ako ngayon habang nasa harap ko si Stanley na sa tingin ko ay sasabog na sa galit!

"H-Hindi ko naman sinasadya eh...yung kapatid mo kasi!"turo ko pa kay Stacey na ngayon ay nasa tabi ni Kyle at nagmemakeface sakin.

Arrrrrggghhh!!Kainis!!Kasalanan nya naman kasi talaga!

"Sinisisi mo pa talaga yung bata! ----"napaatras ako sa inuupuan ko dahil napasigaw sya.Waaaaaahhh!!Sinigawan nya ba talaga ako???

Grrrr....Porket sinabi ko sa kanyang gusto ko sya ang lakas na nang loob nya ha!

"Totoo naman eh!Pagkatapos kong maging mabait sa bansot na yan sasabihin nyang katulong nyo daw ako??Grr!!Sinong hindi maiinis diba??"

Sigaw ko rin sa kanya...

Pero syempre sa utak ko lang yun...ayaw ko namang magalit pa sakin si Stanley lalo...kasalanan ko rin naman kasi...nauubos agad yung pasensya ko pagdating sa bansot nyang kapatid.

"---Ano ba kasing ginagawa mo dito??"tanong nya at medyo humina na yung boses nya.

Nakonsensya kaya sya dahil sinigawan nya ako?? >o<

"I told you...Gusto kitang makita---"nagulat ako nang takpan nya yung bibig ko.Hindi ko alam pero siguro ay ayaw nyang marinig yun nila Kyle.

"Oo na...Ang ibig kong sabihin ay kung bakit nagluluto ka sa kusina??"tanong nya kaya naman pilit kong tinanggal yung kamay nya sa bibig ko.

"I want to cook you some breakfast...Masama ba yun??"saka ako ngumuso sa harap nya kaya naman napapikit nalang sya sa inis.

"Hindi ko naman kasi talaga sinasadya...S-Sorry na...Hindi naman nasunog 'tong bahay nyo eh...yung kawali lang...hehehe..."nung nakita nyang lumiliyab na yung kawali kanina ay mabilis nya agad yung napatay...good thing may fire extinguisher sila sa kusina,kung hindi sunog na siguro 'tong bahay nila ngayon hehehe...

Pasalamat nga sya nagsosorry na ako...na bihira ko lang ginagawa at sa kanya ko lang sinasabi!...kaya sana wag na sya magalit.

"You don't need to cook me at hindi mo narin kailangan pumunta dito..."nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Pero---"sabi ko pero hindi nya na ako pinatapos

"Don't do this Erinah...Don't think na kapag pinagpatuloy mo 'to ay magugustuhan narin kita."sabi nya na nagpasama ng loob ko.

"Hindi naman kita pinipilit na gustuhin ako...ang gusto ko lang ay malaman mo kung gaano kita kagusto!Nanaipakita ko sayo na seryoso ako sa nararamdaman ko sayo!"sabi ko at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nila Kyle at Stacey.

Waaaaahhh!Nandito nga pala sila at wala silang alam...Lalo na si Kyle!Paniguradong tutuksohin ako nito!

"No!!You can't like my Kuya..."sigaw sakin ni Stacey at agad na yumakap sa kuya nya."No Kuya!You can't like her too...It's either Ate Haie or Ate Nethelle lang alright??...I don't like that Ugly Crazy Witch huhuhuhu..."tingala nya kay Stanley pero nakatingin lang ito sa kanya.

So boto pala sya sa Haie na yun ah!At kanino pa??Kay Nethelle???Yung prinsesang hilaw na yun??Tch!Di hamak naman na times 3 ang lamang ko sa ganda sa mga yun!

"Ah...hahaha...Stacey halika laro nalang muna tayo sa labas...Halika dali."yaya ni Kyle kay Stacey...Mabuti naman at may common sense na sya....pero wala rin dahil tinabig lang ni bansot si Kyle.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon