Chapter 40

2.4K 58 9
                                    



ERINAH'S P.O.V.


KINABUKASAN maaga akong nagising.Ewan ko ba...pero parang good mood ako ngayon.

"Aga nang gising ah."

Bati sakin ni Kuya na nagbebreakfast.Agad akong umupo sa tabi nya saka nagsandok ng pagkain.

"Hmm...May practice kasi ngayon."sagot ko saka sumubo ng bacon...yum yum.

"Practice?Para san?"

"Aish..Matanda ka na talaga!"

"Nakalimutan mo agad?Yung sa Mr.andMs.CIS..Kasali ka rin naman doon diba?"

Matanda na talaga sya -___- Makakalimutin na eh...Sabagay si Monique nga pala yung partner nya doon kaya siguro nakalimutan nya na.

"Nagquit na 'ko."

"Ha?!Bakit naman?"

"Tinatanong pa ba yan?"saka sumama yung mukha nya...Sorry naman...

"Pwede pala yun?..Eh kung magquit nalang din kaya ako?" Duh?!Isang weirdo at mayabang lang naman ang makakapartner ko doon..kamusta nalang yun diba? -___-

Kinurot nya yung pisngi ko...naman eh! >__<

"Kung kailangan 1 week nalang saka ka magququit??Baka gusto mo nanaman masigawan ni Madam Principal?" malokong sabi pa ni Kuya...Tsk nabanggit banggit nya pa yang si Madam Principal,Mabuti nalang hindi ko na sya masyado nakikita -___-

"Tsk!Dapat sinabihan mo ako eh!"

"Okay lang yan gwapo naman ang partner mo diba?"mapanuksong sabi nya,tinusok ko nga nang tinidor yung kamay nya.

"Ahh...Erinah ha!"sigaw nya habang hinihihipan yung kamay nya.

"Yan ang napapala nang mahilig magsabi ng kasinungalingan."

Yung AJ Yabang na yun...Gwapo??

Saan naman kaya banda?? -____-

"Hindi mo na mababago ang katotohanan Erinah...Gwapo talaga si Stanley...Mana sakin yun eh,hahahaha."

Tsk...tsk..tsk..Napailing nalang ako.Yun ang mas kasinungalingan...

Naglalakad na ako papasok ng school ng may biglang bumato sa likod ko.

"Yaaahh!"pagharap ko...tss..dapat pa ba ako magtaka kung sino ang gumawa non?

Edi malamang si Yabang na naman.

"Ano bang problema mo?!"sigaw ko dito,kaya naman napatingin sakin lahat nung dumadaang estudyante.I just rolled my eyes on them kaya naman nagsialis agad sila.

"Ang aga aga bestfriend nakasigaw ka agad...Hindi ba pwedeng bumati muna?"sabi ni Kyle saka ako inakbayan,inalis ko yun agad.NapakaFC nya talaga.Tch!

"Ang aga aga nyo rin kasi mambwisit eh!LALO KA NA!"sigaw ko kay Yabang...Tss parang kagabi lang mukha syang kawawa pero ngayon balik na naman sa normal na kayabangan,pero ang dami nya paring galos sa mukha...Hindi nya manlang nilagyan ng band-aid.Tch!

Gusto nya atang ipaglandakan na nakipag away sya...

yun nga lang sya yung napuruhan...Pfffttt..Weak.. ^o^b

Napangisi ako sa sarili kong naiisip kaya naman weird nya akong tinignan.

"Tinatawanan mo ba ako?"tanong nya.

"Ha?Tumatawa ba ako?Hindi ah!"winiwave ko pa yung kamay ko sa harap nya pero hindi ko mapigilan mapabungisngis...Mukha kasi syang pusa na puro galos yung mukha hahaha...pfft..

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon