Chapter 29

1.9K 55 3
                                    

STANLEY'S P.O.V.

I was 15 years old when our parents died,Car Accident daw.

Pero hindi ako naniniwala na aksidente lang yun,sinandya ang pagpatay sa kanila.At yun ang gusto kong malaman matagal na,kung sino ang nagpapatay sa kanila.

After their death,pinadala ako nila Tita Blazie sa States because I was sick.May sakit ako sa puso kaya kailangan akong maoperahan.Si Kyle lang ang nakakaalam sa mga kaibigan ko kaya naman sinamahan nya ako.Ang buong akala nilang lahat,I followed Haie there.

The operation was succesful and here I am still kicking alive.

Sila Tita Blazie na ang tumayong guardian namin ni Stacey but I don't like them,mukha silang pera.Kaya lang naman sila pumayag na maging guardian namin ay dahil sa mana na makukuha namin ni Stacey galing sa parents namin.

Si Stacey lang yung nasa kanila kasi may rights sila because their our guardian,saka ko pa daw makukuha yung kapatid ko kapag 18 na ako which is next year na.Kaya nagtitiis nalang muna akong hindi makasama ang kapatid ko,ayaw ko rin naman tumira sa kanila,baka araw araw lang kaming magsapakan ng magaling nyang anak.

Pagdating namin sa Park hinatak agad ako ni Stacey sa nagtitinda ng ice cream.Marami ng tao kasi hapon na saka ang ganda nang panahon.

"Kuya dali......" tss..bakit ba ang hilig ng mga bata sa matatamis?

"Dahan dahan lang baka madapa ka."

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito,paano naman kasi tong kapatid ko kung makahawi sa mga tao..e mas malalaki pa nga to sa kanya.

"Hala day kagwapo oh!"rinig kong sabi nung yaya ata ng bata.

Tsk!Matagal na akong gwapo!At lalo pa akong gumagwapo haha..

"Kyaahh...Ou nga!"

"Anak nya ba yung bata?"

"Ano kaba mukha na ba syang tatay ..baka kapatid nya lang.."

"Waaahh Sana nga..Ang gwapo gwapo nya naman kasi para maging tatay na eh!"

"Hay may nobya na kaya siya?"

Tss..Maglaway kayo sa kagwapuhan ko.Nag-iisa lang ang mukhang to sa mundo.haha..

"Anong flavor sayo ineng?"tanong ni Mamang Sorbetero.

"I want Chocolate saka Strawberry lang po.Gusto ko po yung malaking cone."

"Mauubos mo ba yan?"gulat na tanong ko,ako nga maliit lang na cone hindi ko maubos sya pa kaya

"Of course kuya!Favorite ko kaya 'to atsaka ngayon nalang ulit ako nakakain nito."tapos nagpout pa sya...Tss,dinadala nya nanaman ako sa pagpapacute nya.

"Sige basta ubusin mo yan ha...Ako din kuya Strawberry lang."

Pagkatapos namin bumili pumunta kami sa may swing.

"Waahh..Ang sarap!I want more Kuya.."Tss..Hindi pa nga sya nangangalahati dun sa ice cream nya gusto nya na naman.

"Ubusin mo muna yan saka tayo bibili ulit okay?"

"Okay po."

Habang tinutulak tulak ko yung swing ni Stacey hindi ko maiwasang mapatingin doon sa babaeng nasa pond.Parang pamilyar sakin yung babaeng yun.

"Look Kuya oh!She's catching a frog."

Tinignan ko yung tinuturo ni Stacey.Yun din yung babaeng tinitignan ko.

Gusto kong matawa,para syang tangang nanghuhuli ng palaka.Hindi ko makita yung mukha nya kasi nakatagilid sya.

"She looks crazy hahaha..."natawa narin ako sa sinabi ng kapatid ko,totoo naman kasi para syang tangang nakadapa doon sa pond habang hinahabol habol yung mga palaka.Hindi ba sya nandidiri sa mga palaka?

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon