Chapter 55

1.6K 43 3
                                    


JANINE'S P.O.V.

Sembreak na ngayon at nandito lang ako sa bahay.Nahihiya naman akong magpaalam kay Mrs.Chun---este Mommy na doon muna kila Nanay magbakasyon...baka sumama ang loob nya,isipin nyang mas gusto ko sa kanila...kaya naman nanatili nalang ako dito tulad ng gusto nya kahit na lagi naman syang nasa opisina at ako lang at si Kuya Eric ang naiiwan lagi dito sa bahay.

At isa pa bumalik na sila ni Jane sa probinsya...kaya kung pupunta ako doon ay matatagalan ako pauwi dahil sa layo ng byahe...ilang araw lang naman din kasi ang bakasyon.

Ilang linggo na simula nang lumipat ako dito pero manghang mangha parin ako sa ganda at laki nitong bahay,May napakagandang fountain sa bakuran at napakalaking swimming pool...Nung una nga nagkanda ligaw ligaw pa ako sa sobrang laki pero buti nalang tinulungan ako ni Kuya Eric para maging pamilyar sa buong bahay.

Bakit kaya hindi dito nakatira si Erinah eh napakalaki naman nitong bahay at sobrang dami ng kwarto??Bakit kailangan pang sa condo sya tumira??

Kung nandito sana sya edi makikilala na namin ang isat-isa...Hayy....

Pinatay ko nalang muna ang T.V ko...Oo may T.V. ako sa sarili kong kwarto,Sosyal nga eh.

Baba sana ako para kumuha ng makakain ng madaanan kong bukas ang pinto ng kwarto ni Kuya Eric...at ayun sya,Nag eempake??

"Kuya Eric...Aalis ka?"tanong ko kaya naman gulat syang napatingin sakin.

"Oo bunso..."

Ilang beses nya na ba akong napagkamalang si Erinah???Simula yata nang lumipat ako dito eh...

Bunso ang tawag nya kay Erinah...nasabi nya na yun sakin kasi lagi syang nagkakamali sa pagtawag sakin.

"Ah ikaw pala yan Airinah ...Pasensya na....Oo may pupuntahan ako."nagmamadaling sabi nya.

"P-Pwede po ba akong sumama?"alam kong ang kapal ng mukha ko pero anong magagawa ko??Ayaw ko maiwan ditong mag-isa.At isa pa walang magawa dito sa bahay...

Nakita kong nag-bago ang reaksyon ni Kuya...Parang ayaw nya...

"Eh kasi..."nag-aalangang sabi nya.

"Ayos lang Kuya Eric...Pasensya na naabala pa kita."

Nakakahiya yung ginawa ko...Feeling close ako kay Kuya Eric.

"Ang totoo nyan...kasama ko kasi si Erinah."

Si Erinah!Gustong gusto ko na talaga syang makilala.

"Talaga po?"kung makakasama lang sana ako...Hayyy..

"Oo...at pagsinama kita at nakita ka nya,hindi ko alam kung ikatutuwa nya yun."

Parang tinusok yung puso ko nang sabihin yun ni Kuya Eric...Siguro nga hindi sya matutuwa oras na makita nya ako...Sino ba ang matutuwa kapag may bigla nalang sumulpot sa harap mo na kamukha mo at sinabing kambal kayo??Baka masira ko lang ang bakasyon nya...

Pero baka naman pwedeng kahit ako nalang ang makakita sa kanya??Gustong gusto ko lang kasi talaga syang makita...kahit sa malayo lang.

"Pero pwede namang ako lang ang makakakita sa kanya...hindi nya ako makikita."sabi ko na ikinakunot ng noo ni Kuya.

"Anong ibig mong sabihin??"takang tanong nya.

"Gusto ko pong sumama!Pinapangako kong hindi ako magpapakita kay Erinah!!Please..."pangungulit ko pa at sa huli napapayag ko rin si Kuya Eric.

"Just promise me na hindi ka nya makikita,okay?"

"Pangako Kuya!"sabi ko pa saka itinaas ang kanan kong kamay.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon