Chapter 65

1.3K 41 1
                                    

ERINAH'S P.O.V.


Tch!Bakit ba bumalik pa 'tong bansot na'to?Dapat tinapon nalang 'to ni Kyle sa ilog eh!

"Ate Nethelle buti nakapunta ka!"hyper na sabi ni Bansot at tumatalon talon pa sa harap ni Nethelle...Tch!Bakit naman kaya pinapunta ni Bansot 'to dito si Nethelle??

"Ofcourse!Malakas ka yata kay Ate Nethelle!At higit sa lahat taon taon natin 'to pinaghahandaan."at nag apir pa talaga silang dalawa sa harap ko -___-

"Ang alin??"hindi ko alam na nasabi ko pala yung ng malakas...Aish!Baka isipin nila na interasado ako...Hindi kaya!

"Hindi mo alam?"tanong ni Nethelle kaya tinaasan ko sya ng kilay

"Hello?Magtatanong ba ako kung alam ko?"inis na sagot ko pero nagulat ako nang nginisihan ako ni Nethelle!

"I thought dahil gusto mo si Stanley ay alam mo na ang lahat ng tungkol sa kanya...hindi pa pala."sabi nya kaya naman mas lalo akong nainis.

"Ano bang ibig mong sabihin??"tanong ko kay Nethelle at napatingin ako kay Stanley pero wala lang syang reaksyon sa mga nangyayari.

"Birthday ni Stanley Next week that's why Stacey called me...every year namin 'to pinaghahandaan,I can't believe na may gusto ka sa kanya pero hindi mo alam maski birthday nya..."taray pa sakin ni Nethelle at gusto Kong dukutin any mata nya dahil doon.

Napatingin ako Kay Stanley.

"Hindi mo naman sinabi sakin na malapit na pala ang birthday mo." sabi ko sa kanya

"Bakit nagtanong ka ba?"sagot nya pa kaya naman nung mapatingin ako Kay Nethelle at mas lalo syang napangisi.

"You're not invited naman eh!Right Ate Nethelle?" tanong ni Stacey sa Ate Nethelle nya pa kuno.

Ngumiti lang si Nethelle sa kanya.

"Hello?Hindi naman ikaw yung may birthday no!Kaya hindi ikaw ang magsasabi kung invited ako o hindi!"sabi ko kay bansot pero dinilaan nya lang ako.

"Kahit na!Kuya ko naman ang may birthday kaya may right ako pumili kung sino lang ang invited...at hindi ka kasama doon."dagdag nya pa kaya lalo lang akong nainis.

Ang lakas talaga mang inis ng kapatid na'to ni Yabang akala mo matanda na kung makipag usap.

"Edi si Stanley nalang mismo ang mag iinvite sakin...Bleh!" dila ko sa kanya pabalik kaya naman agad syang nagsumbong na naman sa kuya nya.

"Kuya oh!Si Crazy witch inaaway na naman ako!...Wag mo sya iiinvite sa birthday mo ha?" pangungulit ni Stacey sa kuya nya at ayun na nga...tumango si Stanley dito!

Waaaaaaahhhhh!!!!Tototohanin nya kaya yun?

Narinig kong napabungisngis si Nethelle at Kyle sa gilid at tuwang tuwa naman si Bansot!At si Stanley???Ayun wala lang poker face parin habang ako dito ay nanggagalaiti sa inis!Grrrrr!

Kinabukasan ay maaga akong nagising.Sinadya ko talagang advance ng 1 hour gumising para hindi ako malate at para sure na magkakasabay kami ni Stanley pumasok sa school.

Pagtapos kong mag ayos,I mean magpaganda kahit maganda na ako ay agad na akong nagtungo sa bahay nila Stanley.

"Good Morning!" bati ko sakanya na mukhang kababangon palang ng kama.

"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong nya ng marealize nyang ako yung nasa harap nya.

"Hindi mo manlang ba muna ako babatiin pabalik at papapasukin sa loob?" tanong ko pero mas lalo nyang niliitan ang bukas ng pinto kaya naman agad kong hinarang ang sarili ko doon para hindi yung tuluyang masara.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon