Hindi ko alam pero kabado ako nang tumingin kay Zae. Halos mapakurap kurap ako nang makita siyang nakatingin din sa akin. Sa dami ng tao rito at sa dami ng sinusbukan siyangkausapin. Nakatingin siya sa akin.

Hindi ko na maipaliwanag ang bilis ng takbo ng puso ko. My hands are trembling a bit too. Ano bang tinitingin tingin niya dyan?

Hindi ako nagpatalo. Kinunutan ko siya noo. He slightly titled his head while staring at me. Naputol lang ang tinginan namin nang pumasok si Ma'am V. Hay. Salamat. Buti nalang dumating na si Ma'am. Kundi mahahalata na ni Zae ang kaba ko.

"Okay, class!" Pumalakpak siya.

Nagkumpulan kaming lahat at nasa gitna si Ma'am. Bale pinapalibutan namin siya. Nasa likod si Zae ng mga kaklase namin. Binalik ko ang tingin kay Ma'am nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. I swallowed hard and my fast heartbeat just won't stop. Kinakabahan lang ako dahil sa role play.

"Class, be ready na dahil malapit na magsimula ang programa. Tatawagin kayo by group at lalabas kayo para magpakita. This performance is 100 points and may plus points rin ang ibang subject niyo pag nagawa niyo ito ng maayos. Huwag kayong kabahan. Just relax. Pakalmahin nyo ang sarili niyo bago kayo lumabas. And... good luck sa inyo. Do your best, okay?" Sumang-ayon kaming lahat kay Ma'am. "The higher officials and other faculty members are here to watch."

Mas kinabahan pa ako dahil alam kong maraming tao sa labas. Umalis na si Ma'am kaya bumalik na ang iba sa puwesto nila at pinagpatuloy ang mga ginagawa. Nagkatinginan kami bigla ni Zae pero nag-iwas kaagad ako at bumalik sa upuan ko, sa harap ng salamin.

Argh! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito eh hindi naman ako kabado sa mga oras na magkasama kami! I think there's something wrong with me.

Hindi pa ako nakakaupo ulit ay narinig ko ang hiyawan sa labas ng backstage. Lumapit na sa 'min ang leader namin. Nagkumpulan na naman kami at siya ang nasa gitna. Sa kabilang banda naman ng stage ay nagkumpulan na rin ang Group 2.

"Kaya natin ito, guys! Pagkatapos nito ay malaking points ang makukuha natin at baka makakapasok pa tayo sa Campus 10 or baka isa sa aten ang Rank 5 kaya galingan natin ha?" Tumango kami.

Nilagay niya ang palad niya sa harap. Nilagay rin ng mga kaklase ko ang mga palad nila at pinatong patong ito. Sunod kong nilagay ang kamay ko pero nagulat nalang ako nang naunahan ako ni Zae sa paglagay ng palad kaya ang resulta, napatungan ko ang kaniyang kamay. Para ako kinuryente dahil nahawakan ko ang kamay niya. Gusto ko sanang alisin 'yon doon pero napatungan na nang mga kaklase ko.

Hindi yon napansin ng mga kagrupo namin pero agad na napatingin sa 'kin si Zae. Napatingin din ako sa kanya sabay lunok at iwas ng tingin. Gusto kong mapapikit. Umayos ka nga, Axiesse!

Gusto kong sumigaw na hindi ko alam. Kinagat ko ang ibabang labi bago at hindi na nakasali sa cheer.

"Go group 1!" Sigaw nila pagkatapos mag ompyang.

Nagtawanan sila habang ako ay pinagpapawisan ng todo. Bwisit talaga. Ngayon hindi ko naman alam kung bakit ako nab-bwisit.

"O group hug naman!" Sigaw ng isa kong kagrupo.

Agad na sumang-ayon ang lahat at dali daling nag group hug. Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan. Nag-alinlangan pa ako kasi nasa harap ko na si Zae at parang pinapalibutan nila kami pero wala na akong nagawa!

Nagyakapan na sila nang pabilog at unti-unti akong nadidikit kay Zae.
May tumulak sa 'kin kaya agad akong napayakap sa kaniya at napapikit. Sumalampak ako sa kaniyang dibdib. Ang bango bango niya.

Sumabog ang puso ko. Shit talaga. Sino ang tumalak?! Parang gusto kong sumabog pero pinakalma ko nalang ang sarili ko. Naramdaman ko ang mga braso ni Zae na pumulupot sa 'kin para hindi kami matumba.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now