Chapter 44 ♥ Confused Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

Ayoko munang mag-isip. Ang gulo-gulo. Sumasakit lang ang ulo ko.

"Huwag ka munang umalis. Dito ka muna." Para akong bata na nagpupumilit makuha ang gusto nya. Hawak hawak ko pa rin ang laylayan ng damit nya. "Dito ka muna sa tabi ko. Huwag ka munang umalis. Huwag mo muna akong iwan."puno ng pakiusap sa mga mata ko.

Naguguluhan man sya sa ikinikilos ko hindi nya sinabi. Gayunpaman, alam ko masaya sya na manatili sa tabi ko.

Nagkatitigan kami at doon ko lang napagtanto kung gaano ko namiss ang lalaking nasa harap ko ngayon. Ang init ng kamay nya sa kamay ko at prisensya na sumisigaw na kahit anong mangyari, ligtas ka sa piling nya. Sa kauna unahang pagkakataon hinayaan ko ang sarili na ibaba ang pader na palagi kong inihaharang sa puso ko. Ayokong umiyak hindi dahil ako ang gangster queen kundi dahil ayokong makita nya akong mahina. Pero ngayon, sa harap nya, gusto kong ilabas lahat. Lahat ng emosyon na naramdaman ko mula sa nangyaring labanan. Mula sa pagtratraydor ni Souta sa akin, galit ni Blow at... si Pietr. Gusto kong ilabas kasi alam kong kapag itinago ko pa ito... puputok na ako sa loob.

Ilang beses kong itinanggi sa sarili na hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino. Na kaya kong maresolba ang lahat ng problema na ako lang.

Nagkamali ako.

Niyakap ako ni Jace at dahan dahan na pinatahan. Hindi sya nagsalita at hinayaan akong ilabas ang lahat ng gusto kong ilabas.

In his arms I feel safe and protected. And that's all I'm asking for.

Jace's POV

Hinawakan ko ang noo ni Serene sabay kapa ng magkabilaan nyang leeg. Mabuti na lang bumaba na ang lagnat nya. Pinag-alala nya talaga ako ng sobra.

Mahimbing na syang natutulog ngayon. Mapula pa rin ang mukha nya dahil sa pag-iyak. Pinunasan ko ang  huling tulo ng luha sa mata nya bago ko inayos ang kumot nya. Tahimik ko syang pinagmasdan. Nasasaktan ako na makita syang ganito. 

Ilang araw na ang nakalipas magmula noong mangyari ang labanan sa Maeda Mora. Magmula noong idinala namin sya rito sa ospital doon na sya nagkaroon ng lagnat. 

Nahuli kami sa pagdating noong araw na iyon gayunpaman, masaya ako na nakarating kami sa tamang oras. Bago pa man makarating sa Maeda Mora ay marami na ang humarang sa amin. Marami pa kaming kinalaban at pinatumba bago kami nakarating kanila Serene. Sa totoo lang ay natakot ako sa naabutan namin. Makita pa lamang na tutok ni Blow ang baril sa ulo ni Serene, napuno na ako ng galit sa dibdib ko. Lalo na noong nakita ko pang tumulo ang luha nya dahil sa nangyayari, hindi ko napigilan ang sarili at saka pinaputakan si Blow. 

How could they make my panda cry?

Nasasaktan ako habang pinapakinggan ko ang bawat paghikbi nya sa braso ko kanina. Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko kasabay ng pagdurog ng puso nya. 

Ang traydor na Souta na 'yun. Hindi ko sya mapapatawad kasama ng lahat ng mga kasabwat nya sa Maeda Mora. Unang kita ko pa lang talaga sa kanya noon ay alam ko nang hindi sya mapagkakatiwalaan. Pero dahil na rin kay Serene, binigyan ko sya ng pagkakataon at binigay sa kanya ang tiwala na malimit kong ibinibigay sa iba. 

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Niloko at sinaktan nya si Serene. Isang malaking pagkakamali sa panig nya dahil sa ginawa nya, hindi lang si Serene ang ginalit at kinalaban nya. Pati ako.

Sandali ko ulit syang pinagmasdan. Dahan dahan kong hinaplos ang mukha nya gamit ang likod ng palad ko. Kahit ano pang galit ang maramdam ko, makita ko lang sya, nanlalambot ako. 

"Huwag ka ng umiyak. Pagbabayarin natin ang may sala. Hindi ka na ulit iiyak... dahil wala silang karapatan. Hinayaan kitang gawin ang gusto mo dahil alam kong doon ka masaya. Pero ngayon, hayaan mong protektahan kita. Kalaban ko ang kalaban mo. Sino man ang mangahas na saktan ka ulit... lahat dadaan muna sa mga kamay ko." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon