The Final Vow

256K 4.9K 1.2K
                                    

TATLUMPU'T APAT

Ericka put a coffee infront of me. I wrapped my blanket tighter as I stare at the white wall. Hindi ko kayang tingnan mismo ang kabaong na kinalalagyan niya.

"Savannah? Kakain ka na ba?" Mom asked me. Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. I did not even bother brushing them away. I am numb. Wala akong maramdamang kahit na ano.

"Mik.." Andrei drapped his arms around me and rock me to and fro habang humahagulgol ako.

"He's not dead.." I cried harder. Andrei shook his head before brushing my tears.

 

 

 

"Hindi magugustuhan ni Xander kapag nakita ka niyang umiiyak.." he hugged me again.

Bakit ang unfair ng buhay? Magtatagal ka sa sitwasyon kung saan ka nahihirapan. Babawiin ka naman kaagad kapag masaya ka na. Bakit hindi ako napagbigyan? Bakit kinuha pa rin sa akin si Xander? Bakit hindi kami hinayaang maging masaya.

 

"Mika, libing na mamaya ni Kuya. Hindi mo pa rin siya tinitingnan--" itinulak ko na si Andrei. Pinagtinginan na kami ng mga tao sa burol pero wala akong pakialam. Tumakbo na si Ericka at Hannah sa tabi ko para kalmahin ako.

"HINDI NGA PATAY SI XANDER!! BAKIT BA PINIPILIT NINYO SA AKIN YUN HA?! HE'S NOT DEAD!! HE PROMISED ME HE WILL NOT DIE!! NANGAKO SIYA EH!! NANGAKO SIYA!!" dinuro ko ang dibdib niya at itinutulak ko siya ng paulit ulit.

Andrei stood up and shook me hard.

 

"ANDREI!!" Ericka shouted. Hinila ako ni Andrei at dinala ako sa harap ng kabaong.

"LOOK AT HIM!! LOOK AT MY BROTHER MIKAELLA!! HE IS DEAD!!" niyugyog niya ako habang nakatitig lang ako sa kabaong.

"No.."

Unti unti akong lumapit sa kabaong.

"Hindi siya ito.."

Denial. That is my only friend. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan na ang taong mahal ko ang nasa loob ng kabaong na iyan.

"Hindi si Xander ito.." bulong ko. I touched the glass and look at his face.

"Xander.."

Hindi ito gumalaw. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya at tulog pa rin.

"Alexander.." nilakasan ko na ang boses ko. The people behind me gasped and sobbed. Bakit ba sila umiiyak? Natutulog lang naman si Xander ah. Napagtripan lang niyang kumuha ng kama na mukhang kabaong. Tingnan man ninyo, magigising yan kapag kinulit ko siya.

 

"Wake up. Xander.. gising na.. Gumising ka. Everybody kept on saying you're dead. Hindi naman diba? Xander, you promised me! Sabi mo walang iwanan!! Goddamn it! Tumayo ka na diyan! Please..parang awa mo na.. gumising ka na.." I sobbed. Hinihila na ako ng mga tao para mailayo ako sa kabaong.

 

 

"YOU TOLD ME THEN!!! NOT EVEN THE FUCKING DEATH COULD SEPARATE THE TWO OF US!! SABI MO HINDI MO AKO IIWANAN!! ALEXANDER JOAQUIN MONTREAL!! UTANG NA LOOB NAMAN!! GUMISING KA NA!!!" I shouted with all I have, ignoring the pain I am feeling right now. Niyakap na ako ng mahigpit ni Pier.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now