Chocolate Cake

314K 5.6K 466
                                    

DALAWAMPU'T ANIM

She ran away after saying that. Iniwan niya ako sa gitna ng dancefloor. Gustuhin ko mang habulin siya, my feet seem to be rooted on the ground. I can't move after every word that she has said.

That's it? Why can't she forgive me? may kulang pa ba sa mga ginagawa ko kaya hindi niya pa ako mapatawad? Ano pa bang kulang? Kasi sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko para mabalik lang siya sa akin.

Iniuwi ko na rin ang mga bata. Tulog na sila ng makarating kami sa bahay. Pagkatapos ko silang dalhin sa kwarto nila, pinuntahan ko na si Savannah sa kwarto. Pero ganun na lang ang pagtataka ko nung nakita kong wala siya roon. May iniwan lang siyang maliit na papel sa kama. Agad bumilis ang tibok ng puso ko. Iniwan na naman ba niya ako?

Kinuha ko agad ang papel at binasa.

Xander, nagkaroon si Pier ng problema. Nagkasakit yung isang model para sa photoshoot bukas. Ako yung papalit. Sa Bohol yung shoot.

 

 

-Savannah

I sighed in relief. Mabuti na lamang at hindi niya ako iniwan. Nagsimula na akong magprepare para matulog ng mapadako ang tingin ko sa kalendaryo. Gaano kaya katagal si Savannah sa Bohol? Sana hindi naman siya abutin ng dalawang araw.

"Kuya.." tiningala ko si Andrei. Pumasok siya sa opisina ko at ngumiti. I smiled back.

"Wala akong pera. Naubos na sa auction." Pagbibiro ko sa kanya. Tumawa naman siya bago ninakaw ang magazine na binabasa ko.

"How To Cook 101? Bakit ka nagbabasa ng ganyan?" tanong niya.  Inagaw ko sa kanya ang magazine at nagsimula ng pumili ng pwede kong pagaralang lutuin.

 

"Nasa Bohol ba si Ericka?" tanong ko sa kanya habang kinakalkal niya ang alak ko sa ref.

"Wala. Kasama niya yung boyfriend niya. Boyfriend day daw." Inis niyang sagot. Natawa naman ako.

"Pait mo tol." Tukso ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng masama.

 

 

"Manahimik ka diyan Xander. Wala akong ginagawang masama sa iyo." Binuksan na niya ang isa sa mga brandy ko. Ano ba yan! Aga- aga brandy kaagad?

"Wala naman akong ginagawa. Ikaw tong biglang nangugulo!" sabi ko sa kanya. Yumuko siya bago pinaikot ang brandy sa baso.

"Kamusta na kayo ni Mika?" he asked me. Nawala ang ngiti ko sa labi.

"She walked out on me last night. I just asked her to give me another chance and then poof! Tinakbuhan niya ako." Pagkekwento ko. Tumawa si Andrei bago tumungga sa baso niya.

 

"Girls!! Ang hilig nilang mag walkout!" sagot niya. Natawa na rin ako at kumuha ng brandy at tumabi sa kanya.

"Kayo?" tanong ko naman sa kanya. Yumuko siya at umiling.

 

"Takteng moving on yan Xander! Sinong nagpauso niyan? Put-- asar!" inis niyang sagot. Tinapik ko ang balikat niya bago nagsalin ulit ng alak.

"Kasalanan mo yan. Iniwan mo siya. Kaya wag kang nagiinarte."

"Baliw! Kung makapagsalita ka diyan akala mo hindi ka nangiwan!" ganti niya sa akin. Sinapok ko siya bago tumawa ng malakas.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now