The One That Got Away

402K 6.3K 1.1K
                                    

LABING SIYAM

"Xander, umuwi ka muna anak. Get some rest." Mom told me. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa mga hilera ng upuan sa tapat ng kwarto ni Savannah. Mom sighed upon seeing my situation pero hindi na siya nagsalita pa.

 

 

 

 

"Is she awake?" tanong ko. Tumango lang si Mommy. Sumilip ako sa loob at nakita kong hanggang ngayon ay tulala pa rin siya. Agad akong tumalikod because I can't stand seeing her in that situation, idagdag pang ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Bumalik ako sa pagkaka-upo sa stools doon.

 

 

 

 

"She doesn't deserve this Ma. She doesn't deserve this pain." Sabi ko sa ina ko. Isinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit ng mariin. I don't want to cry infront of my mother.

 

 

 

 

"Everybody makes mistakes Alexander Joaquin. Kung hindi tayo magkakamali, hindi tayo matututo." She said. Ginagap niya ang kamay ko and tapped my shoulder.

 

 

 

 

"Will she be able to forgive me?" nabasag ang boses ko sa sinabi ko.Ang bakla mang pakinggan pero natatakot akong baka hindi na ako magawang patawarin ng asawa ko. And if that happens, it would kill me. Savannah is my life, and without her, I am nothing.

 

 

 

 

"Alexander, do you have any idea how much love Savannah has for you?" nilingon ko si Mommy saka umiling. She smiled saka nagsimulang magkwento.

 

 

 

 

"When you turned 18, Samuel and your Dad had an agreement na ipapakasal ka kay Savannah when you turn 25. They both agreed to it dahil sa matalik naman kayong magkaibigan noon. And Savannah knows about the agreement. Pero na inlove ka sa kakambal niya and you proposed to her. Pipigilan ka sana ng Daddy mo na gawin iyon but Savannah talked to him and to her Dad. Alam mo ba kung ano ang ipinakiusap niya?"

 

 

 

I shook my head. My Mother smiled thoughtfully.

 

 

 

"Akala namin, makikiusap siya na pigilan ka sa pagpapakasal kay Sabina. Hindi lingid sa amin na mahal ka ni Savannah, and we expect her to beg us to stop you. Pero iba ang ginawa niya. She kneeled infront of her parents and us para hayaan kang mapakasalan si Sabina. She sacrificed her own happiness for yours Xander. She is very willing to do anything for you, kahit kapalit pa nun ay ang masaktan siya. That is how much she loves you anak."

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin