The Montreal Effect

368K 7K 798
                                    

DALAWAMPU'T ISA

 

 

 

 

 

 

"Cotabato? Papayag naman kaya siya?" tanong ko kay Hannah na palakad lakad sa tapat ng opisina ko while wearing a goofy smile on her face. I sighed at my sister because she is really enjoying my torment. Alam niyang nahihirapan ako kay Savannah sa ngayon.

One time, I gave her chocolates. Hindi man lang niya tiningnan at pinalagay na lang niya kay Manang Lydia sa ref namin. Napagalitan naman ako nung binigyan ko siya ng bulaklak because Alexa has allergies on pollens kaya ayun, galit na galit siya sa akin. I tried bringing balloons and teddy bears  pero yung mga bata ang nakinabang. Hindi man lang niya hinawakan. Ni hindi nga siya nag react nung pinagpuputok ni Sandro ang mga lobo.

Hindi ko na talaga alam kung ano bang dapat kong gawin. I never courted a woman before. I was never into serious relationships, kay Sabina lang. Pero, ibang kaso naman ang sa amin ni Sabina. I am her rebound. Nung hinalikan ko siya nung gabi ng debut nila, we became a couple. No courtship happened. Kaya ngayon, hindi ko na alam kung ano ba pang pwedeng ibigay sa asawa ko na papansinin niya. Kung sino mang nag pauso ng mga salitang PANLILIGAW at PAGPAPAKIPOT, wag na wag kayong magpapakita sa akin dahil bibigwasan ko kayo.

"Take Ate Vannah and the kids to a vacation Kuya. Para naman may bonding kayo ng pamilya mo hindi ba?" she added. Tinitigan ko siya and I know something is up.

 

"Alhannah, I already have plans. Dadalhin ko sana sila sa Baguio tutal summer naman---"

 

"Iih!! Kuya sige na!! Sa Cotabato na lang kasi. Maganda dun promise. Atsaka I already made arrangements na there. You will stay at my friends resthouse dun. And habang wala ka, si Papsi munang bahala sa work mo. Just, take a vacation na dun, sige na." she said. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Si Hannah naman kasi eh, ang kulit.

She squealed in delight at niyakap ako. She was grinning from ear to ear kaya naghihinala na talaga ako sa motibo niya.

"Hannah, what is going on?" I said sternly. Siguro naman, matatakot na ang kapatid ko. Tumingkayad lang siya and ruffled my hair.

 

"Hindi ka kasi marunong mangligaw kaya tinutulungan na kita--AAW!" sigaw niya nung bigla ko siyang pinalo. Tawa naman siya ng tawa habang tumatakbo paalis.

"Hey, Kuya!" she called me nung nasa pintuan na siya. I looked at her at ibinaba ang mga papeles na pipirmahan ko na sana.

 

"Just so you know, Kuya Andrei will be home tonight." Then the door closed. I clenched my fist. He's back. My brother is back. I have to go see Savannah.

Hindi ko napigilan ang pag usbong ng takot sa dibdib ko ng malaman na pabalik na ang kapatid ko. What if, he is still inlove with Van. Ano na lang ang gagawin ko? Savannah hates me now. Mas lalo yata akong mahihirapang paamuhin ang asawa ko. Damn! As much as I hate to admit it but I feel scared by the thought of Andrei going back to the Philippines. Wala pa ngang isang buwan na nagsasama kami ni Savannah, eeksena na naman ulit siya? Asar!

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now