First Day

387K 7K 1.3K
                                    

IKA SAMPU

"Umiiyak ka na naman Mik."

 

 

May humawak sa ulo ko at tiningala ko ito. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ang lalaking laging nakakapagpagaan ng pakiramdam ko.

 

 

"ADRIAN!!" niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol sa balikat niya. Ginantihan naman niya ako ng yakap. Hinalikan niya ang noo ko at pinunasan ang mga luha ko.

 

 

"Pinaiyak ka na naman ng kapatid ko?" he asked me. Yumuko na lang ako.

 

 

"Adi hindi naman sa ganoon--"

 

 

"Savannah Mikaella! Pagtatakpan mo pa talaga si Xander?!" galit niyang sabi. Umiling naman ako.

 

 

"Kasalanan ko naman eh.Alam mo na, hindi naman kasi dapat talaga ako--"

 

 

Hinawakan ni Adrian ang kamay ko at tinitigan ako.

 

 

"Hannah called me. Ngayon ko lang nalaman lahat ng nangyari. Ano ka ba naman Mika! Nasisiraan ka na ba?! Bakit mo ginawa yun?! Alam mo naman na mahal ni Xander si Sabina hindi ba? Sinasaktan mo lang yung sarili mo sa ginagawa mo!"

 

 

"Mahal ko siya Adrian. Ayaw ko siyang masaktan kaya nagpanggap akong si Sabina. Hindi ko naman inisip na aabot sa ganito. Hindi ko naman alam na masasaktan ko siya."

 

 

He held my shoulders and looked at me.

 

 

"At nasasaktan ka na. Mika, andito naman ako. Ako na lang kasi. Wag na lang si Kuya. Ako, mahal kita. Matagal na--"

 

 

"Andrei.." pagpigil ko sa kanya. I know Andrei's feelings for me. Hindi ito ang unang beses na sinabi niya ito. But I am already married, sort of, to his brother. And I love Xander.

 

 

"SAVANNAH!"

 

 

Napalingon ako sa kabilang daan. Nakita ko si Xander na pababa sa itim niyang Ferrari. Inilang hakbang lang niya ang daan at hinila ako palayo kay Andrei.

The Substitute Bride(AWESOMELY COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن