Chapter Forty-Six

867 62 27
                                    

Chapter Forty-Six. The Finale
Part 1

Point Of View

Kayesmile Ayesha Garcia

Pagdating ko sa hacienda ni Lola Ayesha ay nagulat si lola nang makita ako na nag-iisa. May inaasahan po ba siyang ibang bisita maliban po sa akin?

"Apo!"  bulalas niya at niyakap niya ako nang mahigpit.

"Magandang hapon, lola. Oh, may pasalubong po akong dala sa inyo." sabi ko at binigay ko sa kanya ang isang supot ng tsokolate na pinakapaborito niya. Tuwang-tuwa pa siya nang makita ito.

"Salamat nito, Kayesmile. Halika, pumasok ka na sa loob."

Pagpasok ko sa loob ay mukhang fresh na fresh ang pakiramdam ko. Na-miss ko rin ang mansyon ng lola ko kung saan dito kami nagkakatuwaan nina Lorraine at Nathalie noon.

Speaking of them ay nagulat ako nang makatanggap ako ng text mula kay Nathalie kanina. May ibang lakad daw sila ni Lorraine kung kaya't hahabol na lang daw sila rito.

Nakakapanibago yata ang mga iyon. First time na tinanggihan nila ang gusto kong bakasyon na kasama sila.

Wala pa akong balak sabihin kay Lola Ayesha ang tungkol sa amin ni Gian ko. I want them to be surprise. Even my Kuya Chayll and Besshy Kyla, I didn't tell them. Hindi nga ako dumaan sa bahay namin, eh.

Bigla akong natigilan sa magandang ayos nitong mansyon ni lola. Nakakapanibago.

May gaganapin po bang party dito? Kunot-noo kong nilingon si Lola Ayesha na kasalukuyang nagtitimpla sa dala kong tsokolate kanina.  Ang bilis niyang kumuha ng tasa ng tsaa, ah.

"Lola, may party po ba rito sa mansyon? Mukhang ang ganda ng arrangement dito, ah!"  tanong ko sa lola ko at nahuli ko siyang ngumiti.

"Apo naman, matagal ka ng hindi nakakapunta rito, di ba? Gusto ko lang tingnan ng maayos ang mansyon, apo. Oh siya, salamat ulit nitong tsokolate. Oh, nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng masarap na ulam sa kusina. Tiyak na matutuwa ka kapag makita mo kung sino ang tagaluto ko ngayon syempre matanda na ang lola."  pahayag niya. Oo nga pala, pagkalipas ng anim na taon ay umusad din ang edad ng lola ko.

Hindi pa naman siya katandaan, eh. Hindi pa rin naman kulubot ang balat niya. She's naturally beautiful in her passion. Masyado lang siyang maasikaso sa sarili niya kaya edad lang ang tumanda sa kanya.

Sumunod na ako kay lola sa kusina at nagulat ako nang makita ko kung sino ang nandoon.

"Nanay Sandra?"  Oh, nandito siya. Nandito ang kinagisnang ina ni Gian ko.

"Sabi ko sayo, apo."

"Kumusta ka, Kayesmile? Ah, este Architect Gar----"

"Nanay Sandra naman, you can call me Kayesmile. Nakakahiya naman sa inyo, eh. Kailan ka lang dito sa bahay ni lola?" I didn't expected this. Sabagay, matagal-tagal din akong nawala.

"Ang ganda-ganda mo na, Kayesmile. Oh siya, kumain ka muna. May niluto akong adobong manok at pinakbet." aniya.

"Wow!  Gusto ko ang niluto ninyo, nay. Mukhang masarap, ah! Mukhang pinaghandaan ninyo ang pagdating ko, ah!" sabi ko at dumulog na ako sa mesa.

Nahuli kong nagkatinginan si Lola Ayesha at Nanay Sandra sa huli kong sinabi ngunit agad naman nilang binawi iyon.

"Ikaw talaga, apo. Oh siya, sasabay na lang kami ni Sandra."

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now