Chapter Twenty-One

994 73 21
                                    

Chapter Twenty- One. Province with Ugly face and Dirty face

Kayesmile Ayesha Garcia

Yes! I was escaped from those bitches. Ang galing ko talagang mag-isip. Nasa loob na ako ng condo ni Gian ko. So far, I was amused of Gian's condo background color. Sobrang malinis ang bawat sulok ng condo niya at halatang alaga ito araw-araw.

Kanina ko pa napapansin ang pananahimik niya. Nakatakip ang kanyang mukha with his two hands habang nakaupo sa may malambot na sofa.

"Ugly face, kausapin mo naman ako. Ano bang nangyayari sayo, huh? Excuse me, wala akong balak gahasain ka, no." at lumapit na ako sa kanya. Ngunit nanatili siyang walang imik. Oh, eh, di ikaw na ang snob diyan.

"Alam mo ba itong ginagawa mo, dirty face? Ang iwasan ang kuya at ang dati mong kaibigan? Why don't you make things right? I was worried. Can you feel my concerned, huh?"  nakakagulat siya sa naging reaksyon niya.

Tinabihan ko siya ng upo at isinandal ko ang balikat ko sa kanya.

"Hindi ko pa rin tanggap." sabi ko habang kinagat ko ang labi ko.

Ayoko pa ring tanggapin. Tumayo ako at naglakad-lakad sa tapat niya, " Eh, anong gusto mong gawin ko, Gian? Magiging plastik para sa kanila?" I made my voice so furious a reason why he looked at me and murmured.

"Minsan din naman kasi ay ang tigas ng ulo mo." nakakainis niyang wika at iniwanan ba naman ako.

Okay, siya na ang galit. Umupo ako ulit at nagmuni-muni na lamang. Hayaan mo, Gian ko  maiintindihan mo rin ako.

"Dirty face, halika nga rito." narinig ko siyang tinatawag ako.

Humihilab na nga pala ang tiyan ko. Nagugutom na ako, eh. I ignored him. Hayaan ko siyang lalapitan ako rito.

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo."

"Apat."

"Kayesmile, ano ba? Sinusumpong ka na naman, noh?" He said while holding a bottle of mineral water.

"Ikaw nga ang sinusumpong diyan, eh." Mabigat sa katawang tumayo ako at nilapitan siya.

Pagkalapit ko sa kanya ay  bigla ba naman niyang hinawakan ang baywang ko at inilapit niya sa akin ang mukha niya. Gian ko, ano bang ginagawa mo? Napatitig ako sa labi niya ng wala sa oras.

Jusme, nakakapaso ang mga titig ni ugly face. My heart jumped so many times. I cannot breath. Naamoy ko ang mabango niyang hininga.

"Kung ayaw mong hahalikan kita ay  manahimik ka na lang. Dito ka lang habang magluluto ako ng dinner para sa ating dalawa." sabi niya when he suddenly kissed my forehead.

Oh, akala ko kung ano na. Nabunutan ako ng tinik sa bituka.

"Ugly face naman, eh. Sarapan mo, huh? Wait, tutulungan na lang kita, Gian ko. Masarap akong magluto."

"Hindi nga talaga matigas ang ulo. Kakasabi ko nga lang na du
ito ka lang. Sige na nga. Ikaw na ang the best hardheaded beautiful girlfriend sa buhay ko, Kayesmile."

Kinilig ba naman ako sa tinuran niya kaya napahalik ako nang biglaan sa pisngi niya.

"I love you, Gian ko."

Ngumiti siya at kinurot ako sa pisngi ko. May pa-nose to nose pa siyang nalalaman. "I love you, too."

--

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now