Chapter Twenty-Six

884 62 12
                                    

Chapter Twenty- Six. The Date

        Ssej Gian Mendoza

Kakalabas ko lang sa library kaya humakbang na ako patungo sa room ko. Mukhang napagod ako sa kakasearch doon, eh. Mas gusto kong gumamit ng libro kaysa sa mag-internet ako.

Pagpasok ko pa lang sa room ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni Jules. Anong ginagawa niya rito?

"Nakain mo?" sita ko sa kanya. Inarkuhan lang ako ng kilay niya at umiling lang siya.

"Wala ka bang balak iwan si Kayesmile?" He asked me directly. Pambihirang tanong iyon, ah! Bakit ko naman gagawin iyon?

Hinila ko siya palabas ng room at agad ko siyang dinala sa likod. Gusto kong mag-usap kami lalaki sa lalaki.

"Bakit ko naman gagawin iyon, Jules? Minamaliit mo ba talaga ang pagmamahal ko  para kay dirty face ko?" bakas sa tono ko ang naiinsulto. Tiningnan ko siya mata sa mata.

"Gusto ko siyang alagaan at mahalin ulit, Gian. Gusto kong ipadama sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya." he added.
Mahal? Naaawa ka lang sa situation ng girlfriend ko, Jules. Don't talk to me like that.

"Inalagaan ko siya at sobra ko siyang mahal kaya tigilan mo na si Kayesmile, Jules. May iba pa namang paraan kung paano mo siya mapahalagaan, eh. Be her friend." I suggested. Umiba ang aura ng mukha niya. Halatang hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ko.

"Gian, I want to win her back." matapang niyang tugon. Bumuntung-hininga lang ako at binigyan ko siya ng warn look.

"Anong gusto mong gawin ko? Ibigay ko siya sayo ulit? Hahah, nakakatawa ka, Jules. Hindi maaari!" asik ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Wala akong mapapala sa mga obsessed na taong katulad niya.

Pahakbang na sana ako nang bigla niya akong sinuntok sa batok. Agad akong bumagsak sa lupa.

Argh!

"Problema mo, Jules?" tanong ko sa kanya. Nabigla rin siya sa ginawa niya kaya umatras siya ng kaunti.

"Sinabi ko na kasing layuan mo na siya at ipapaubaya mo na siya sa akin ulit pero ang tigas ng ulo mo! Mahirap bang ibigay ang hinihiling ko, huh?" matapang na bulyaw niya sa akin dahilan upang mapatayo ako at nilapitan ko siya.

Hinahamon mo ba talaga ako, Jules? Inihanda ko ang aking sarili. "Ano ba si Kayesmile sa tingin mo? Laruan? Ang kapal talaga ng mukha mo." pagkasabi ko ay agad ko siyang sinuntok sa mukha dahilan upang matumba siya.

Mabait ako, Jules. Pero hindi isang laruan si dirty face na ipamimigay ko lang. Mahal na mahal ko ang babaeng pilit mong agawin sa akin.

Nakita kong bumangon si Jules at walang pasabing sinunggaban ako. Sapol ang kaliwa kong pisngi kaya gumanti rin ako ng suntok sa kanan niyang pisngi. Nagkakasuntukan na kaming dalawa.

Nararamdaman ko ang mga hapdi sa mukha ko. Hindi rin ako papatalo sa kanya. Umiilag na ako sa bawat suntok niya kung kaya't siya palagi ang natatamaan ng kamao ko.

When he punched me on my shoulder ay masakit iyon kaya bumagsak ako sa may damuhan. Hindi pa nga ako nakabangon, nilapitan na ako ni Jules, hinahawakan sa balikat at akma na sana niya akong suntukin ulit nang mapahinto siya.

Awtimatiko siyang napatingin sa nunal ko sa balikat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya iyon.

"M-may nunal ka sa balikat?" gulat na gulat niyang tanong sa akin.

I can sense anxiety on his eyes. Hindi ko siya sinagot, inaalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko at tumayo na ako.

"Stop this, Jules." sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya umiimik at tinitigan lang ako.  Anong problema niya?

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now