Chapter Twenty-Seven

762 56 22
                                    

Chapter Twenty-Seven. Win Her Back

Keith Jules Montreal

Mula rito sa kinaroroonan ko ay tanaw na tanaw ko ang masayang mukha ni Kayesmile sa terrace nila. Kasama niya si Gian sa isang date. Napabuntong-hininga na lang ako at ipinikit ko ang aking mga mata.

Yes, masaya siyang kasama si Gian pero papaano naman ako? Hanggang ngayon ay si Kayesmile pa rin ang ibinubulong ng puso ko. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Aagawin ko ba siya mula kay Gian?

Napailing ako sa iniisip ko.

Do I get worst now?

Sila ang masaya at ako naman ang nasasaktan. Ano ba naman kasing ginagawa ko rito.

Binuhay kong muli ang makina ng sasakyan at kailangan ko ng umalis dito.

Habang lulan ako sa sarili kong sasakyan nararamdaman ko ang inggit at galit.

Shit this feeling!

After thirty minutes ay dumating na ako sa bahay. Pagkapasok ko sa sala ay nadatnan ko si mama na nanonood ng tv.

"Oh, Jules saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." kunot-noong tanong ng mama ko. I thought she's in the hospital. Sabagay, wala na roon si Kayesmile.

Napailing lang ako, "May pinuntahan lang." wala sa sariling sagot ko at pumunta na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong napahampas sa pintuan. Nakakuyom ang mga kamao ko. Sana, mukha na lang ni Gian ang hinahampas ko.

Damn it!

Nanatili ako sa ganoong sitwasyon nang mahagilap ng mga mata ko ang family photo album namin. Nakalagay ito sa ibabaw ng mesa ko.

Wala sa sariling nilapitan ko iyon at binuklat ko kaagad. Tumambad sa harapan ko ang isang larawan ng kapatid kong si Kean Jarvin noong ito ay isang taong sanggol pa lamang. Nasulyapan ng mga mata ko ang nunal sa balikat nito. He just wearing a small sando and a simple short in this picture.

Argh!

Naalala ko ang nunal sa balikat ni Gian na nakita ko kaninang umaga. Anong koneksyon doon?

Napasapo ako sa noo at pinagpawisan. Hindi pwedeng si Gian ang nawawala kong kapatid. Hindi pwede!

Tumilapon ang photo album sa dingding sa sobra kong inis. Hindi pwedeng makita ni mama si Gian, hindi! Selfish na kung selfish. I can do whatever I want. Baliw na kung baliw.

"What's going on here, Jules?"

Huh?

Nagulat ako ng biglang iniluluwa ng pinto si mama. I forgot the door. Iniwan kong nakabukas.

Shit!

Umagaw sa pansin ni mama ang photo album na inihagis ko sa dingding. Nilapitan niya ito at kinuha.

"Ma--" I insist but she already hold the photo album. I just bite my lips for a moment.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now