Chapter Twenty-Two

960 64 19
                                    

Chapter Twenty-Two. Old Yaya

Ssej Gian Mendoza

Pagkatapos ng almusal namin ay  kinausap kami ni Mama Ayesha. She asked us why I and Kayesmile went here. Hindi naman sinunggaling si dirty face kaya sinabi niya ang totoo.

Gustuhin mang pauwiin kami ni mama pero gusto rin naman niyang manatili muna kami rito kahit na dalawang araw lang.

Sana one day ay magbabago na ang isip ni dirty face. I really love her kaya dapat maging mabait siya araw-araw.

Kasalukuyang nasa garden ako ngayon at binibisita ko ang mga bulaklak na itanim ko noong araw. Napakaganda na nila. Mas masarap pa rin manatili rito sa province, syempre  lumaki ako rito.  Pero hindi naman pala kailangang manatili ako rito. May mga pagkakataon talagang kailangan mong talikuran ang kinagisnan mo, tama ba?

Pero hindi ako ganoon. Mahal ko ang probinsyang ito. Dito ako namulat sa piling nina tatay at nanay maging ni Mama Ayesha, ang aking magandang ninang.

Sa pag-uusap din namin kanina ni mama ay halatang maganda ang pagpapatakbo niya sa hacienda habang wala ako. Masagana ang ani ng mga prutas, gulay at ang sugarcane and coffee plantation niya.

Oh, si Kikay nga pala ay bibisitahin ko rin siya. I miss this place. Iniwanan ko ang garden at humakbang na ako patungo sa likod kung saan nandoon ang kwadra ng mga kabayo.

"Kikay!" bulalas ko nang makita ko ang maganda kong alaga. Nilapitan ko na at hinimas-himas ko ang katawan niya. Pinagloloko ko ba naman ang ulo niya, haha.

"Alam mo ay kanina pa kita pinagmamasdan, ugly face." Si dirty face ko na sinusundan pala ako.

Narinig ko siyang kinausap ako. Nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko sa attire niya. Naka-pants, naka-boots, naka-jacket, nakasumbrero na bumagay sa kanya. Mukhang pinaghahandaan, ah?

"Bakit ganyan ang ayos mo? Mamasyal kang mag-isa?" nakapameywang kong tanong sa kanya.

Tumawa siya at kinalabit ako sa braso, "Pakawalan mo na si Kikay at sasakay tayo sa kanya. Pupunta tayo sa nanay at tatay mo. Syempre, dadaan tayo sa hacienda. Gusto kong mamitas ng grapes doon. Nagpaalam na rin ako kay lola at pumapayag naman siya. Tara na, Gian ko." paglalambing niya sa akin.

Mas lalo siyang naging cute sa paningin ko. Hindi man siya laking probinsya pero nagugustuhan pa rin niya rito.

"Ikaw na ang makulit. Sige na nga." at pinisil ko ang matangos niyang ilong.

Whoah!

Nahawa na tuloy ako sa kasweetan  nina Kuya Gian Travis Salvador at Ate Jhariss Alcantara. Sino po ba sila? Sila ang mga bida sa "Let Me Be Your Prince" na story ni author.

"Yes! Tapos, Gian ko. Kung pwede sana ay maligo tayo sa batis bukas bago tayo aalis." habol pa niya.

Inisnaban ko siya habang napakawalan ko na si Kikay.

"Hindi ka lang makulit, matakaw, demanding ka pa talaga, no? Kung hindi lang kita mahal-"

"Ano?"

"Hindi na kita iuuwi sa siyudad. Itatanan na kita." nakakakilig kong sabi sa kanya at umiling lang siya at benelatan ako. Nagulat na lang ako nang may dinukot siya sa bulsa niya.

"Ano iyan?"

"Tatlong piraso ng chocomucho chocolates, ugly face. Hindi kita bibigyan nito mamaya."

Pinagtatawanan ko siya, "Kahit saan ka talaga pupunta ay  hindi talaga pwedeng wala kang pagkain o snacks na dala. Hindi na ako magtataka. Halika na, sumakay na tayo kay Kikay ko." at inalalayan ko siya habang tinutulungang makasakay kay Kikay. Sumunod na rin ako.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now