Chapter Twenty-Four

834 67 14
                                    

Chapter Twenty- Four. Reconciled Again

Kayesmile Ayesha Garcia

Nagising ako sa mga palad na humahaplos sa mga pisngi ko. When I looked up, I saw Jules face straightly looking at me.

"What the hell are you doing, Jules?" sita ko sa kanya. Kung makapaghaplos lang naman siya sa pisngi ko, feeling niya naman may karapatan siya sa akin.

"I'm sorry, Kayesmile. I just checked you if you are okay." He answered.

Really? Pinagtataasan ko siya ng kilay and I see him step backward. Mabuti naman na dumidistansya siya sa akin dahil  mahirap na baka ano pang magagawa ko sa kanya.

"How long you will stay here in the hospital?"

Ngumisi siya at biglang inilapit ang mukha niya sa pisngi ko, "Hindi ba dapat ako ang magtatanong sayo niyan? Gaano ka katagal manatili sa kwartong ito, Kaye?"

"Lalabas ako kung kailan ko gusto. Pwede ngang ngayon, eh. Hinihintay ko lang si Gian ko."

"Do you think darating pa siya?" tumawa siya at tinitigan ako ng maigi, "Hindi na siya babalik dito at hinding-hindi ka na niya babalikan!" asik niya sa akin dahilan upang magalit na naman ako.

"Get out of this room now!" matigas na utos ko sa kanya. Natigilan siya sa naging reaksyon ko at tumayo siya.

"As you wish, pero hindi ibig sabihin na iiwanan kita rito. Sa labas lang ako." at umalis kaagad siya sa harapan ko. I close my eyes and sighed several times.

Alam ko na kung ano ang gagawin ko para makatakas ako rito. Kailangan kong umalis dito. Kailangan kong pumasok sa school.

Hinagilap ng mga mata ko ang gamit ko, ang cellphone ko. Pero nakalimutan ko na naiwan pala iyon sa province. But I'm pretty sure na dinala iyon ni Gian ko. In short, nasa sa kanya ang cellphone ko.

Dahan-dahan akong kumilos. Chinicheck ko ang pinto kung talagang nakalocked ito. Napatingin ako sa bawat sulok ng room ko.

Shit!

Wala man lang pwedeng malusutan.

I suddenly stop my plan when I heard some trouble outside. Anong nangyari?

Napanganga na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluluwa si Gian ko. Kasunod naman si Jules na pilit siyang hinihila papalabas.

"Gian ano ba?! Kung ayaw mong magkagalitan na naman tayong dalawa ay umalis ka rito. Dahil sayo, kaya nandito si Kayesmile ngayon!" galit na galit na asik ni Jules kay Gian.

Nagsipaglipatan lang ang mga tingin ko sa kanilang dalawa. Kinakabahan ako baka magkasuntukan na naman sila sa harapan ko.

"Kung mahal mo pa rin ang girlfriend ko, Jules ay hayaan mo siyang maging masaya sa akin. I need to visit her. She's mine." Whoah! Kinilig ba naman ako sa tinuran ng ugly face ko.

"I'm the original owner of her." Jules said in a louder voice.

"Get off your hand on my shoulder, Jules habang nakapagpigil pa ako." sabi ni Gian ko. Whoah! Ang galing naman. May nagbabago na sa boyfriend kong taga province.

"Oo nga naman, Jules. Bitawan mo muna si Gian. Hindi ba't ang bilin lamang sayo ni kuya ay ang bantayan ako rito? So, better get out, hindi mo na trabaho ang bantayan ako na kasama ang ugly face ko." mangiti-ngiti kong sabi kay Jules habang kinikindatan ko siya sa mata. I saw his facial expression, nagtitimpi lang siya.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now