#Afraid 4-Pt.2: Stained with Sorrow

Comincia dall'inizio
                                    

"Rule number--"

"Alam ko." Siya naman inudlot ko. "Alam kong hindi ako dapat makialam pero asawa mo ako at gusto kong malaman ang kung anumang kinakaharap mo." Lakas loob kong sabi sabay lapit sa kanya. Nakatayo na'ko ngayon sa harap niya. "Nakita ko si Jin kanina, at alam kong may masamang nangyayari sa kanya. At alam ko ring isa ka sa mga gagawa ng paraan para wag siyang makaapekto sa VEMUS. Kaya naman gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Para malaman ko rin ang maaaring mangyari sa'yo."


Natahimik siya at napatitig na lang sa mga mata ko. Ang ekspresiyon ng mukha niya, yun bang parang hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ko.


Kingina. Ako nga rin mismo hindi makapaniwala, eh!


"Mas malakas yata ang espiritung sumapi sa'yo kesa sa espiritung sumapi kay Jin eh." Nagsmirk pa siya. TALAGA AH!


HUH?! WAIT!!!


"SINAPIAN SI JIN?" Namilog ang mga mata ko sabay laglag ng panga. "PANO NANGYARI YUN?!"


I KENNAT!


"Hindi pa namin nalalaman ang sagot, pero sa ngayon yan pa lang ang posibleng nangyayari sa kanya. Malakas na pwersa, kakaibang aura, pagsasalita ng ibang lenggwahe. Madalas na nangyayari yun kapag sinasapian ang isang tao. Humingi na rin kami ng tulong sa Exorcist Team ng Anti-Fear Society, pero sila mismo hindi nila matukoy ang tamang dahilan kung bakit nagkakaganon si Jin. Basta...sabi nila...masyadong malakas daw yung pwersang nagmumula kay Jin. Hindi nila alam kung anong klaseng pwersa yun...pero nakakakilabot daw..."


Nanindig ang mga balahibo ko sa mga huling salita ni Zypher. The way he said those words... It was...terrifying... It was unusual...


"Paano yan..? Paano niyo malalaman ang tunay na nangyayari sa kanya..?" I'm more worried about what will happen to Zypher in the future. I know he won't let the others fix the problem without him...

"Nakipagtulungan na kami kina El at En. Yung damit ni Jin na may letrang I, yun ang simbolo na under investigation siya sa ngayon. Ikukulong siya sa piitan hanggang sa mahanapan ng solusyon yung kaso niya." Bumuntong-hininga na naman siya.

I know he's calm and cool, but I can also see the worry in his face.

"Fi..." Wala na akong ibang maisip gawin kundi ang umupo sa tabi niya sabay yakap nung kanang braso niya. "Mag-ingat ka, okay?"

Naramdaman kong isinandal niya yung baba niya sa ulo ko. Kahit nakaupo kami, antangkad pa rin talaga niya!

"Ang cute mo palang gumanyan, fi." Cool ang pagkakasabi niya nun pero alam kong nakangisi na naman siya ngayon. "Mas lalong ayokong mawala sa piling po 'pag ganyan ka."


SHIYEEETTT..........


"Kaya... Oo naman, mag-iingat ako. Ayoko namang mabiyuda ka agad."

Sabay kaming natawa sa sinabi niya.

Ayoko nang mag-isip ng kung anong negatibo ngayon. Gusto ko na lang i-enjoy itong oras na magkasama kaming dalawa.


Zypher and GangstersDove le storie prendono vita. Scoprilo ora