"How did you float, baby?" Si Elizabeth naman ngayon ang nagtanong. Matindi ang kaba na kanyang nararamdaman dahil alam niya na ayaw niyang marinig ang isasagot ng kanilang munting anak.



"I don't know po, Mama. Naalala ko lang po na gusto kong umakyat ng puno and then I felt something weird under my feet tapos nag-float na ako," inosenteng paliwanag ng anak sa kanila tapos nagkibit-balikat ito at tiningnan ang walang malay na nakatatandang kapatid. Nang parang may maalala ito, bigla na naman itong umiyak at nilapitan pa ang kanyang kuya. "I'm so sorry po, kuya. I should've listened to you po."



Nagtaka naman ang mag-asawa nang marinig nila iyon mula sa bunso.



"Pincess, anong nangyari kay kuya?" maingat na tanong ni Maxwell. "Why was he unconscious on the ground?"



Medyo hindi yun nakatulong nang lalong lumakas ang pag-iyak nito. Agad namang niyakap ni Maxwell ang anak at pinatahan. "Ssshh.. I'm not mad okay, princess? Gusto lang namin malaman ni Mama kung anong nangyari kay kuya?" nahimasmasan naman ito at saka sumagot. "K-kuya told me to get down from the tree pero I told him na hindi ko po alam bumaba. Umakyat po siya para kunin ako and then he slipped so I screamed."



"So, your kuya fell from the tree, princess?" tanong ni Maxwell dito.



Tumango naman ang kanilang bunso bilang sagot. "Yes, Papa but he didn't touch the ground. He was surrounded by leaves and dirt and everything. He panicked because of that so he passed out po."



Napatulala na lang sina Maxwell at Elizabeth dahil sa nalaman mula sa anak. Hindi nila akalain na darating na ang araw na ito.



Ang araw na lalabas na ang kapangyarihan ng mga anak.



Nang makabawi ay agad na tumayo si Maxwell mula sa pagkakaupo at tinungo ang pintuan.



"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Elizabeth sa kanya.



"Honey, stay with the kids for a moment. Kailangan kong kausapin si Augury tungkol dito. Papapuntahin ko na rin siya." seryosong sagot niya rito.



Naintindihan naman agad ni Elizabeth ang ibig sabihin ng asawa kaya tumango na lang siya. Napatingin siya sa walang malay na anak at kapagkuway sa bunso niya. Ang mga asul na mata nito ay nakatitig sa kanya nang may pagtatanong. "Everything's going to be alright princess. Don't worry and don't cry na ha? Hindi mo kasalanan ang nangyari kay kuya. It was an accident." Matapos niyang sabihin yun ay niyakap niya rin ang bunso.



**********



"Are you sure you want to this, Maxwell and Elizabeth?" tanong nito sa kanila. Kasama na nila ang nakausap ni Maxwell kanina at kasalukuyan silang nasa kwarto ng magkapatid at mahimbing nang natutulog ang mga ito.



Hinawakan ni Elizabeth ang mga kamay ng lalaking kausap nila. "Para ito sa ikabubuti nila, Augury. Ipinangako namin ni Maxwell ang isang payapa at normal na buhay para sa kanila. Gusto namin na mabuhay sila ng normal. Makapaglaro na parang mga normal na bata. Makapasok sa isang normal na paaralan. Magkaroon ng maraming kaibigan. Pero hindi nila yun magagawa kung may mga kapangyarihan sila. At isa pa, hindi rin kami papayag na madamay sila sa mga nangyayaring kaguluhan sa atin."



"Masyado pa silang bata para rito," seryoso ngunit pabulong nitong sabi sa kanila.



"Pero ito na lang ang alam naming paraan para malayo sila sa mundong kinagisnan natin."



Matagal bago nagsalita ang lalaki at tinitigan lamang ang mag-asawa. Pabalik-balik ang tingin nito sa kanilang dalawa at sa mga anak nila.



"Okay. Naiintindihan ko," pagkasabi nito ay nilingon niya ang panganay at naglakad palapit dito. Pagkatapos ay may pinalabas siyang asul na liwanag sa palad nito na para bang usok at hinipan papunta sa ulo ng bata. Kapagkuwan ay pumunta naman ito sa bunso nilang anak ngunit agad ding napatigil.



"Your daughter possesses a strong power that cannot be contained for so long." sabi nito sa kanila at saka nagpalabas ng liwanag na parang usok sa palad nito at muling ginawa ang gaya ng kanina.



"Alam namin, Augury. Maraming salamat sayo. Hindi namin makakalimutan ang ginawa mong ito." sabi ni Maxwell dito.



"I erased all memories related to their powers but remember this, those memories will always resurface. Hindi nila matatakasan ang tadhana nila especially your daughter. Take good care of the both of them." matapos sabihin ay naglaho na lang ito na parang bula.



Nagkayakapan na lang ang mag-asawa at tinitigan ang mga anak nilang mahimbing pa rin na natutulog.



************



I am currently rewriting Senyth Academy nga po pala. Enjoy reading po!



(Edited)

December 26, 2018

Senyth Academy: Immortal Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon