chapter 29

393 2 0
                                    

**29**

Nakiusap kong hindi muna kami mag usap ni Nikko, pero somehow, I believe him. Gusto ko lang muna siguro ng distance para maayos na rin yung utak ko, after all, meron pa akong remedial exam na dapat i-take this afternoon.

Habang nasa kalagitnaan ako ng review ko, lumapit sakin si Bianca

“buti nabigyan ka ng remedial. Kundi kawawa ka..”

“ano nanamang agenda mo?”  

“wala, heard you and Nikko had a fight” tumingin lang ako sa kanya.. “DUH? Sa corridor kaya kayo nag-away, paanong hindi ko malalaman?”

“so masaya ka?” 

“nope.. I’m sad for you” nagpuppy eyes pa sya.. sarap sampalin  

“thank you”

“hahahah! Buti nga sayo yung nangyari, atleast Nikko will come to realize, you’re not worth of his effort. Isa pa, if I were you, talagang hindi na ako magtitiwala sa kanya.. ganun na rin ang mga nasabi nya sayo, to think na nanliligaw sya ha”

“how did you know about it?”  

“h-ha? narinig kong usapan ng kabilang section..”

“talaga lang ha”

“bakit? Iniisip mong ako ang may pakana?”

“hindi malayo Bianca, after all, ikaw si Bianca”  

“yea! Beautiful, sexy and smart” napasmirk ako bigla..

“but be sure you’re smarter than me” nilapag ko yung ballpen na hawak ko tapos tumayo ako, lumevel ako sa kanya tapos nilapit ko ng sobra yung mukha ko.. “tandaan mo ito, oras na malaman kong may kinalaman ka rito, sinisugurado ko sayong hindi mo magagawang ngumiti pa sa natitirang araw natin dito sa school” tapos umupo ako. Nakita ko namang namutla sya..“now, umalis ka sa harapan ko, bago pa lumipad papunta sa mukha mo lahat ng nasa desk ko” tapos tumakbo na sya..   

Hindi ko sigurado pero hindi ko mapigilang maghinala, maraming nagawa si Bianca, marami siyang kayang gawin, hindi ako magtataka kung pati ito, sya rin ang pasimuno, pero paano ko naman malalaman?

Isa pa, nung nag uusap kami ni Nikko tungkol sa mga natext nga sakin na nakakainsulto, ang alam ko ay wala nang tao sa paligid namin na pwedeng makarinig nun. Hindi kaya? 

“pero paano nya naman nalaman?”

“hindi ko alam”

“tama pala yung hinala ko dati palang na hindi si Jade yun eh..”  

“hinala? Dati palang? Eh bakit hindi mo sakin sinabi?”

“kasi baka mali rin ako.. ayoko namang magpakasarcastic no..”

“paano mo nasabi na hindi sya?”

“haha! First of, sabi mo nasa cebu, eh wala naman sa cebu si Jade, nasa America sya.. hindi ba?”

“shoot.. oo nga pala..”  

“tapos, sorry ha, kasi nakabasa ako ng isa sa mga message nya sayo, he called you Kaizen, duh? Kami lang nga diba ang tumatawag sayo nun? Guia tawag nya sayo remember? Kaya ayun, naghinala talaga ako, pero anong malay ko na dahil close mo na sya, Kaizen na rin yung pinatawag mo sa kanya sayo”

“oo nga pala, bakit ba hindi ko naisip yang mga yan before?”

“ewan ko? Magaling si Nikko”

“shut up, hindi dapat pinupuri yung mga ganun”

“sabihin mo nga, ok na ba kayo?”

“nag explain na sya”

Stay Away Stranger (Completed)Where stories live. Discover now