Chapter 25

403 2 0
                                    

**25**

“b-bakit namang ganyan yung mga tanong mo?” tumawa naman sya

“wag mo na ngang sagutin, kahit ano namang sabihin mo, tutuloy pa rin naman ako sa panliligaw ko.”

Sabihin mo raw, ano bang dapat kong isagot? Parang mas mahirap pa yun sa math aa.   

***

Sunday.

Nagtext sakin kagabi si Nikko. 

‘kta tau bkas s cofi haus’

Kapal mag-aya ng date no? Sa text lang. Teka, nakailang miss calls ba sya?? 22? Hahahahh!!

Nireplyan ko lang sya ng ‘asa k nmang ppnta aq’ tapos saka ako natulog.

Niyaya nga ako ni mama na magsimba pero mamaya pa raw 5pm.

12nn. Hindi ako mapakali, kasi naman abno mag isip yung si Nikko e, matigas ang mukha, kahit na humindi ako, pupunta pa rin yun.. eh why bother ba kasi kaizen?  Nagsabi ka na rin namang hindi ka pupunta eh.

2:30pm.

Sheesh! Nandun pa kaya sya? Eh ano rin pala?   

4:30pm

Ready na ako para sa mass

“tara na Kaizen, malelate tayo”

“opo ma, hinahanap ko lang po yung cellphone ko”

“dun sa kwarto mo, sa side table sa ibabaw”

“aa ok ma”

Pinatay ko pala ito kanina para hindi na ako makonsensya, may tatlong message naman. Isa mula kay wela, kay Jade kuno at kay Nikko.

‘oi! Wla lng’

‘sma tlga ng ugli m!’

‘ppnta p rin aq’

Badtrip! Kay wella lang ata yung nagustuhan ko ah…   

[fast forward…]

Tapos na yung mass

“anak, saan mo gustong kumain?”

“kahit saan lang ma”

“sige, trip ko ang cappuccino, sa coffee haus tayo” may biglang nagring sa tenga ko.. coffee haus, sh*t! wag dun!!    

“ma, sa shakey’s nalang, gusto ko ng pizza”   

“meron din dun” tapos pumara na sya ng tricy tapos sinabing sa coffee haus kami.. aassssaaarrr!!! Ayoko dun!!   

Hindi naman ako umiimik. Hindi ako mapakali.. asar talaga!

“anong problema, nak? Balisa ka”

“wala po ma, gutom lang..”

“don’t worry, malapit na tayo” ayooookkkkoooo paaaa!! Manong bagalan mo please!!   

Nagbibilang ako ng oras nun.. bakit ba kasi kaskaserong driver pa yung nasakyan namin? Ngayon andito na kami.. seven naman o! 

“ma, sa shakey’s nalang tayo”

“nagsasayang ka ng pera, Kaizen?”

“haha! Joke lang naman, ma  ” asar! -.-

Pagpasok naman, hindi talaga ako tumitingin sa harap, nakahawak lang ako kay mama.. sana talaga wala na sya dito..

Nakaraos naman akong walang tumatawag sa pangalan ko.. 

“ma?”

“maghanap ka na ng upuan natin ha” yes! Ibigsabihin wala syang Nikko na nakita..    

“sige po” tapos tumingala na ako. Wala nga siya! YEASH!!   

Para naman mas safe talaga, dun nalang ako sa loob naghanap, kasi baka bumalik pa sya at makita ako naku!

Umupo lang ako, table for two lang yung kinuha ko, obvious naman kung bakit, hindi ba? 

NP: Grenade [ganda pala mag soundtrip dito sa coffee haus no?]

Ni-lean ko naman yung ulo ko sa table, bakit ba parang disappointed ako na hindi ko sya nakita dito?   Ang gulo mo talaga ever Kaizen!!

Gusto ko ng chocolate! Para gumanda yung mood ko, kailangan kong kumain ng chocolate..

Nung nagmove na yung upuan sa harap ko saka lang ako tumingala ulit. 

“ma, gusto ko rin ng choc—“ oh heck!  

“you came!” tapos nakasmile sya na parang nanalo sa lotto

“N-Nikko” bakit ang bilis ng heartbeat ko?   

“sabi na eh, sabi na darating ka” nakatingin pa rin sya sakin at hindi pa rin nawawala yung smile nya..

“hindi ako pumunta dito dahil sayo” okay, I know that hurts. Bigla kasi syang napatungo.. pero mas mabuti nang honest.

“anak, ito na” tapos napatingin sya kay Nikko.. “oh Hijo, andito ka pala”

“that’s what I’m saying”

“alin?” halata mong nagtataka si mama..

“wala po ma” tumayo naman si Nikko at pinaupo si mama

“sige po pala tita, aalis na po ako, nagkita lang po kami ni Kaizen” tapos tumingin naman sya sakin sabay smile, a fake one.   

“ma, gusto ko po ng chocolate, pati po burger ma” nagets naman ni mama yung ibig kong sabihin kaya tumango nalang sya at bumalik para mag-order.

“Nikko” this time hindi sya tumingin sakin.. “Nikko, pwedeng mag-usap muna tayo?”

“oo naman, Kaizen” tapos pekeng ngiti ulit.. then umupo sya..

Silence.. ako ba dapat magsimula? Kasi ako yung humiling na mag-usap kami? Ano bang dapat kong sabihin?   

“Nikko, sorry”

“para saan? Wala kang kasalanan no.. sinabi mo na rin naman na hindi ka na pupunta eh, ako lang naman yung matigas yung ulo.. ayos lang yun” tapos ngumiti sya sakin.. kanina pa ito eh..

“Nikko, sabihin mo na kasing nahihirapan ka na, aminin mo nang gusto mo nang sumuko, na pagod ka na, na ayaw mo na, nang aasar ka ba? Nakangiti ka pa e!” 

Pero hindi sya nagsalita, tumungo lang sya, para bang nag-iisip ng isasagot nya.. 

[NP: Just The Way You Are]-Bruno Mars fan ba itong Coffee Haus? O yung author lang talaga?

Pagkatingala nya naman, ngumiti agad sya saka nagsalita na.

“bakit pag ginawa ko ba lahat ng yan magiging tayo? Mamahalin mo ba ulit ako? Gaya ng dati? Diba hindi naman?” hindi nanaman ako nakasagot “hindi ko pwedeng itago na pagod na ako at nahihirapan ako, pero ayos lang yun sakin. Kaya ko, kinakaya ko, tinitiis ko, para sayo. Ayokong sumuko, para sayo, ayokong ipakitang hindi ko na kaya kasi ayokong madisappoint ka, at higit sa lahat, kaya ako ngumingiti, kasi para sayo yun

Hindi ko na alam yung dapat ko pang sabihin o kung dapat pa ba akong magsalita, sa kabila ng lahat ng ito, ako pa rin pala yung iniisip nya, para pa rin pala sakin lahat ng ginagawa nya. Kahit naman sinong lumagay sa posisyon ko ngayon, maguguluhan eh, ano bang dapat masunod? Yung puso o yung isip? Alin ang mas matimbang at alin ang mas dapat na paniwalaan? Kasi alam mo Nikko, sobra talaga akong naguguluhan. Sa tingin ko, mahal pa rin kita, pero sa tingin ko rin, hindi na eh. Ayokong masaktan ka. Sana lang naririnig mo lahat ng ito ngayon. 

Pero gusto kong suklian lahat, kahit panandalian langkahit alam kong kulang pa, tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit. 

Ito lang muna kasi yung kaya kong ibalik sa kanya… 

Stay Away Stranger (Completed)Where stories live. Discover now