Chapter 7

450 5 0
                                    

**7**

pagdating ko naman sa tapat ng gate namin, sakto namang palabas si mama.. nagulat pa sya na kasama ko si Nikko eh updated yan sa buhay ko..

"hija, anong nagyari sayo? bakit ka ganyan maglakad?"

"injured lang po, aksidente.." tapos nauna na akong pumasok kay Nikko at bumulong kay mama "wala po syang kasalanan ma, don't worry" then dirediretso na ko sa pagpasok sa loob...

narinig ko nalang na nagsara yung gate namin, kaaalis palang pala ni Nikko.. napaisip naman ako, ito kaya yung way nya para makaganti? kunwari mabait tapos sa huli eh sasaktan nya ako? o talagang ganun lang sya? naguguluhan pa rin ako..

tinanggal ko naman yung panyo tapos tinignan ko ulit yung sugat ko, hindi naman kalaliman pero pahaba.. hindi na rin naman dumudugo pero affected pa rin yung paglakad ko since sa upper arch ako nasugatan..  

lalabhan ko muna itong panyo para maibalik ko na bukas... pero may napansin ako sa panyo, napatigil naman ako, ewan ko kung sinadya nya o nagkataon lang...

it was the handkerchief I gave him before... alam ko at hindi ako nagkakamali kasi may nakaburda pang 'NK' sa corner.. why is he still using this? nang iinsulto ba sya or kung tama ako, this is his way of returning this to me?  

pumasok naman si mama sa kwarto kaya nagulat nanaman ako at naitapak ko naman yung paa ko..

"ma naman eh!" 

"ay sorry hija" tapos tumawa naman sya.. "malaki ba yung sugat?"

"hindi po" tapos tinaas ko yung paa ko

"sus! ang OA naman pala, eh parang kalmot lang ng pusa yan.."nag bibiro lang si mama..

"sayang mga ma, walang kalawang yung pako"

"o wala? ay sayang naman pala.." tapos nag act pa sya na nanghinayang talaga... 

itong si mama kung umarte eh parang teenager, maagang nabiyuda dahil naaksidente si papa.. wala pa akong malay nung nangyari yun... she's only 30. yep. maaga syang nag asawa...

"sabi ni Nikko na grabe daw ang dugo nyan kanina, natapakan mo raw yung pako na naikalat ni Carlos, kaya bukas talaga eh susugurin ko sya.." sinabi yun ni Nikko?   sabi na bipolar yun!

"wooo ma, susugurin? there's a more appropriate word for that: DADALAWIN"  

"ikaw na bata ka"  

"ma, pakilabhan nalang po, o kaya kay manang nyo nalang ipalaba"

"ano ito? m----"  

"YUCK MAMA! kadiri ka!"

"eh ano pala?"

"umubo ako kanina" tapos nag act naman ako na malungkot"tapos..."

"ang galing naman umacting anak!! o sya ako na ang maglalaba"  

"bukas ko na po yan ibabalik" tapos tumango naman sya..

"kanino?" tumingin naman sya na parang interesadong malaman...

"kay manang po"  

"ah kay NIKKO mo.." tapos lumabas na sya.. mawiwindang ka talaga sa aking mama... tsk

***

matino na po ako, hindi naman ako natetano or what at hindi naman ako natakot sa tubig.. 

"Kaizen, pahiram ng susi ng locker mo"

"para?"

"palagay ng notebook.. eh kasi naman yung mga tamad kumopya eh manghihiram nanaman ng Notebook tapos ice age na ulit saka ibabalik"

"ayoko"

"ha? bakit?"

"matagal ko nang hindi binubuksan yun"

"hahahahaha!"    tumawa naman sya ng walang hanggang..

"hoy move on!"

"sabi sabi ka dyan eh ikaw ang hindi pa--" tinignan ko na sya ng masama agad..   tapos tinakpan nya naman yung bibig nya..  "no cursing"

"I dont, pero pwede akong mag aral" 

"tara nga daw, tignan natin ulit.." tapos umiling naman ako ng umiling.. no! no! please no! no!!! NOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!  

exagge lang.. ayoko, last time kasi na binuksan ko yun eh maraming palakang tumalon sa mukha ko.. grabe! napahiya talaga ako that time..  

pero time's up na, nandito na ako sa harap ng locker ko.. lumunok naman ako.. ayoko!

"dali"

" "

"i love you bestfriend, ikaw naman kasi, bakit ba ayaw mo, para tantanan ka na nila.."

" " tapos sinusian ko na, tumayo naman ako sa gilid para iwas pusoy.. pag bukas ko eh yan nanaman ang mga palakaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!! 

"WOW!" tinignan ko lang sya.. "andami Kaizen, nababasa mo rin itong lahat?"

"hindi" tapos pinulot ko naman na lahat ng sulat na nalaglag.. yep. palaka is synonymous to letter

"eh bakit ayaw mo? matagal ka na rin since huling pumunta dun, try mo naman ulit.. miss ka na nila.."

"ayoko.. alam mo namang may mga bad memories dun" 

"yan! edi nahuli ka rin! affected ka pa rin, but why don't you give it a shot, isang pasadahan lang, then saka ka magsabi kung uulit ka pa o hindi na.. isa pa, maraming requests o, kung hinihintay mo silang mapagod, nevah. fans mo yan, kaya go! bumalik ka na kasi DJ Guia"

now i'm beleaguered.  

Stay Away Stranger (Completed)Where stories live. Discover now