Chapter 5

463 4 0
                                    

**5**

Bigla namang nag interrupt yung intercom..

"attention in the area.. attention in the area.. to all Campus Youth Club members, please proceed to the audi-gym right away.."

"patay!"

"bakit?"

"papagalitan na ako nito. Ilang araw na rin kasi akong hindi umaattend ng meetings, sige pala.. pupunta na ako"

"ok! hoy! tandaan mo yung sinabi ko!" tumango lang ako..

Hindi ko ba naikwento? Member pala ako ng CYC dito, isa sa pinakaacitve na club ng school, pangalawa sa Boy Scouts na hindi ko naman pwedeng salihan.. masaya rito kasi ako  na ngayon ang facilitator, kung dati eh ako ang nauuto, turn ko naman na. Joke lang...

"so very right Guia at pumunta ka na rin" naku! sabi na pagagalitan ako eh..

"sorry sir" si Sir Carlos nga pala, ang gwapong moderator ng club..

"alam mong iilan lang kayong facilitators, iiwan mo pa sila.."

"sorry po talaga, nagrereview po kasi ako every after classes.. sorry sir"

"hindi ba pwedeng sa ibang time yan?"

"ayoko pong makamiss ng klase eh.." at ayoko ring makasama si Nikko  

"sige na, upo na at mag uusap tayo para sa Promenade"

"prom agad sir?"

"oo naman, aba, dapat maganda at bongga since first time tayong maghohost nito.. sige na upo na"

"sir, magagalit ka kaya?" naku naku!! 

"saan?"

"balak ko po sanang magconcentrate na sa studies eh, medyo wala na rin po akong time para sa club, gusto ko na po sanang magquit"  oo, magbibitiw na ako sa club... malungkot nga kasi mahal na mahal ko itong club na ito, pero yun nalang yung nakuha kong reason..

"no! wag Guia, malaki kang kawalan sa CYC, akala ko ba mahal mo ang club?" wag kayong malito, it's still me, Guia yung tawag sakin ng majority sa campus.. dun talaga ako kilala, Kaizen naman eh close friends ko lang ang tumatawag, pati na rin yung buong section namin.. aside from them, ayun, Guia na talaga...

"syempre naman sir! totoo po iyon, kaso lang po kasi--"

"I know right Guia, dahil sa co-facilitator-slash-partner-slash-asst. leader mo? Listen, ok, sige, payag akong hindi ka muna mag meeting, wag mo na rin munang intindihin yung agenda natin ngayon, but promise not to quit."

"sir--"

"promise me.." ay pasalamat ka sir gwapo ka!

"sige na nga po, nagpapacute ka pa dyan sir, kaya lalong naiinlove sa inyo si--"

"shhh.. ikaw talaga, secret lang natin yun"

"opo sir, secure pa naman.." then tumawa naman sya, gwapo!   

"sir, sorry to be late.."

"o! assistant leader Nik.. ok lang, hindi pa naman nagsstart.." tapos tumingin sakin si sir..  

"sige po.." tapos humanap naman na sya ng upuan nya.. 

"teka Nik.. dito nalang kayo sa harap, mag operate kayo ng projector, ipapakilala ko rin kayo sa mga bagong member natin.." then he grinned..   SIR! "pag usapan nyo muna kung ano-ano yung mga nakalagay sa presentation, remember, it's prom." tapos iniwan nya na kaming dalawa..

awkward silence naman nun... inayos ko lang yung projector at dahil ako ang leader, naghihintay lang sya ng iuutos ko sa kanya.. pero hindi ako nagsasalita.. 

"anong--"

"makibasa ka lang" hindi ko na sya pinatapos then nanahimik nanaman..

Nagstart na yung project discussion, sabi ni sir eh iignore ko muna ang prom, eh bakit ako nandito at nagdidiscuss?  

"JS Promenade, hindi naman required ang may partner eh, ang importante ay yung experience.. they can always enjoy the night with their friends.."

"it's not also about gowns and tuxedos.. pwedeng formal attire lang for guys and cocktail dress for girls.."

"sasabihin nyo rin syempreng magbayad sila.." tapos tumawa naman lahat.. "diba? edi malulugi tayo kung wala silang ibabayad? pero no worries kasi less than 500 pesos naman ang computed fee if ever."

"venue: tell them not to hope for a fairytale like venue, of course we'll give them the best venue we can afford, but still don't make them hope for something majestic.."

"and also, tell them to be on time. and lastly.." tapos kinclick ko naman mouse...

"be with your loved ones"   napatigil naman ako.. nagsabay kami.. hindi, ako lang dapat.. sumabay sya.. SIR! bakit hindi ko nabasa ito! 

napansin ata ni sir na nagulat kami pareho kaya sya na ang nagtuloy..

"syempre, it's prom night, and it's for valentines day celebration, it's really nice kung kasama nyo sa time na ito yung mga taong minamahal nyo, can either be your friends or yung KASINTAHAN nyo" may emphasis pa talaga dun sa 'kasintahan'   "inggit nalang nang iba na magpapakaemo.." tapos nag end na naman yung slideshow.. naiilang pa rin ako..

"salamat sa tulong nyong dalawa Guia at Nik"

"ok--" sabay nanaman.. hindi na ako umimik

"ok lang sir"

"same here sir"

"o sige pala, pakiligpit naman o tapos pakihatid nalang sa office, ito ang susi Guia, sayo lang yan ha" naman! paano naman nabasa ni sir na aalis ako at iiwan ko na si Nikko rito? hello? magrereview pa ako kunwari..  

"sige na, ako na rito, pumunta ka na ng library.." bingi rin ito no?

"sabi nga diba ni sir na ako lang ang hahawak ng susi?"

"obvious naman na pinaglalapit tayo nun, kumakagat ka naman.." &nbsp

Stay Away Stranger (Completed)Where stories live. Discover now