Chapter 26

385 2 0
                                    

**26**

Love month na pala. Sa dami ng mga kinakailangang ayusin, hindi ko namalayan yung buwan. 

“Guia, date tayo sa 14 ha?” 

“date mo mukha mo, close tayo?” tapos inirapan ko sya.. kung sino man yun, IDC. Hinawakan naman nya ako bigla sa braso..

“ito naman ang sungit! Dali na rin, once lang, sa bahay namin”

“eh kung bigyan kaya kita ng black eye? Once lang! anong sa bahay? Ayus-ayusin mo yang mga ginagawa mo ha! baka mapasama ka!” nagulat naman ako kaya napatingin ako sa likod ko, si Nikko pala, galit na sumugod dun kay I don’t care who. Inawat ko naman, ayoko ng gulo..

“Nikko, hayaan mo na”

“nasasanay yung mga ganyan eh”

“hayaan mo na” tapos tinuro nya yung lalaki.

“subukan mo lang lumapit ulit sa kanya, tatamaan ka na talaga!” napaatras naman ng konti yung lalaki..

“bakit pare? Sino ka ba?” napatigil si Nikko.. 

“ako? Bakit hindi mo ako kilala? Ako ang boyfriend nya. Walang oras na hindi ko yan binabantayan, mag-ingat ka!” tapos kunwaring susuntok sya kaya tumakbo na yung lalaki..

“ayos ka lang?”

“oo naman, OA nito. Wala naman syang ginawang masama” 

“akala ko e.. basta, sa susunod wag mo nalang kakausapin yung mga ganun..”

“oo na” tapos nagsmile ako sa kanya.. inakbayan nya naman ako tapos sabay kaming pumunta sa room.  

“sorry nga pala ha..”

“san?”

“sa kanina, sinabi kong girlfriend kita, sorry ha”

“hindi ayos lang” 

ang sarap pala sa pakiramdam no na tawagin kang girlfriend ko”tapos nagsmile sya sa malayo.. tama kayo. Hindi ko sya boyfriend. 

Hindi nalang ako umimik. As you all can figure out, I am trying to be nice to him. Ayoko na syang pahirapan. Ayoko kasing magsisi sa huli. 

“UY KAI—“ sabay ngiting nakakaloko. “ano yan? May paakbay-akbay na?” tinanggal naman agad ni Nikko yung kamay nya sa balikat ko.. 

“ang dami mong alam”   tapos tumawa lang ako.. “friendly gesture lang yun, wag assuming” bulong ko sa kanya..

“sige pala, mauna na ako sa room ha” tumango lang ako..

“magsalita ka nga, ano na? sasagutin mo na ba?” nagkunwari akong magto-throw up.. 

“joke! Wala sa plano yan ano ka ba?”

“bitter ka pa rin? Talaga bang ayaw mo na dun sa tao? magwawakas na yung story nyo, bitter ka pa rin?”

“hahaha! Kailangang isingit yun no? hindi. Ayoko nalang pag usapan pwede?”

“sure!” 

“eh bakit mo ba ako hinahanap?”

“wala, pakopya ng assignment sa math” tapos nagpuppy eyes sya.. 

“kaya pala? Osya! Sa bag po” tapos tumakbo na sya at nagthank you.

Malapit na rin sana ako sa room nung biglang may bumangga sakin from behind..

“oops! My bad!” tamo to, galing lang ng bakasyon, kung makaasta eh sa Amerika nagpunta?  

“eyeglasses mo nalaglag”sabay turo ko sa sahig, tumingin rin sya.. malabo ata ang mata eh “HAHAHA!” 

Stay Away Stranger (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara