Chapter 6

445 3 0
                                    

**6**

pagtayo ko eh nagulat ako kasi ang lapit ng mukha nya sa mukha ko..  naitapak ko tuloy yung paa kong injured..  

"ouch!" tapos napatingin naman ako sa kanya then nagpoker face ko.. "bakit naman ang lapit ng mukha mo?" kinakabahan ako eh!

"a-narinig kong nag ouch ka" tapos hindi naman sya mapakali.."nakita ko rin yung--ano--a--dumudugo yung paa mo"nakatingin naman sya sa paa ko.. sinuot ko naman yung sapatos ko..

"wala yan" then naglakad ako, pero ang sakit ihakbang, may kalawang ba yung pin? "tara na, maggagabi na" tapos tinuloy ko nang maglakad ng dahan dahan.. 

bigla nya naman akong hinawakan sa braso..  

"bakit? magpapatulong kang magbuhat?" bumalik naman ako para bitbitin yung laptop pero pinigilan nya ako..

"ano?!" nakakairita naman eh!  

"ang lakas din ng loob mong magbuhat pa at magpumilit maglakad, hirap ka na nga dyan"

"ikaw ba ang nahihirapan? paki mo ba?"  then tumalikod na ako at naglakad na ulit.. iniwan ko na yung laptop, bahala ka dyan.. pero shoot! ang sakit!  

bigla naman akong nagfloat..  lumulutang nga ako! 

"ang kulit mo naman eh, kunwari pang masungit, eh kung matetano ka?"

"sabi nang walang pakialamanan eh! ibaba mo nga ako!"  tapos binaba nya nga ako..

"konsensya ko pa kung maospital ka" tinaas nya yung paa ko nun?  .. binatukan ko naman sya.. MALAKAS!  

"nakapalda ako ungas!" tapos binabaan nya naman..

Tinanggal nya dahan dahan yung sapatos ko then yung medyas.. at nahimatay sya.. JOKE LANG! 

malaki pala yung sugat, parang hiwa..

nilabas naman nya yung panyo nya then itinali nya ng mahigpit sa sugat ko

"aray naman!'

"para tumigil yung pagdugo, sarado na ang clinic"

then hinilot nya naman, medyo hindi na masakit.. nakatingin lang ako sa kanya nun

"saka ako yung may dala ng pako kanina para sa Arts, nailaglag ko kaya kumalat, hindi ko nakitang may natira pa pala" ewan pero bigla nalang tumulo yung luha ko..   

pinunasan ko naman agad tapos napatingin sya.. nagulat pa nga ata tapos tumingin na sa ibang direksyon..

"thanks" tumayo na sya nun..

"tara na, kaya mo na rin yang maglakad" tapos kinuha na nya yung laptop at projector.. naman Kaizen! bakit ngayon pa.. at ano nanaman kasi yun Nikko?!  

***

nung nasa office na kami, nandun naman na si Sir Carlos, nangtitrip lang talaga sya, ASAR!  

"o ba't ang tagal nyo?"

"eh sir ba't ka andito?" tapos tinignan ko sya ng masama..  

"anong nagyari sa'yo Guia? bakit ka pilay?"

"wala sir, napako lang.."

"patingin daw dito.." tapos umiling iling naman sya.. "naku! ako ang may kasalanan nyan, naikalat ko pala yung mga pako kanina nung ako palang ang tao dun.." what now?   akala ko ba? si Nikko? ha? "buti naman at may benda na pala"

"o sige pala sir.. may review pa ako" tapos tumingin ako kay Nikko na nakatingin lang sa frame..   ang gulo..

nauna naman na akong lumabas.. here we go, third floor ng second building mula rito.. spell TORTURE.  

ramdam ko namang may sumusunod-sunod sakin kanina pa kaya humarap na talaga ako...

"ha?" nagulat naman sya..

"ano?! yung panyo mo? ibabalik ko nalang bukas, lalabhan ko pa"tapos naglakad na ako ulit

"sadista ka rin no? wag ka na munang magreview, mamamaga yang paa mo pag nilakad mo pa, sabi rin ni sir carlos na wag ka na raw payagan"  

"hindi ko ito ikamamatay, wag kang mag alala" 

"tapos konsensya ko pag hindi ka nakapasok kinabukasan?"paano? eh wala ka namang kasalanan..

"edi masaya diba?"

"oo"   "pero konsensya ko pa rin, ayokong mabulabog kaya sakay na" tapos lumuhod naman sya nang patalikod..

pinapaaba nya ako?   wag na, ilaglag mo pa ako..

"ayoko nga, pwede ba?" hindi ba nya talaga narinig yung kanina at hanggang ngayon eh kunwari sya pa rin ang may kasalanan?

"hindi ko rin gusto no, pero guilty ako" ganyan na pala mag sorry ngayon?  

"hindi ako aalis dito hangga't hindi ka umaaba" tigas ng panga naman o! umiiwas nga ako tapos ganyan ka naman!  

"hindi ako aaba sayo, at wala akong balak"

"then I have no other choice" 

bigla nya naman ako.. ha?    nilover's carry.. foul ba? 'nilover's' carry...

"hoy!"

"pagnagpumiglas ka, malalaglag ka, bahala ka"

"edi ibaba mo ako!"  pero naglakad na sya at di na ako pinansin.. nakatingin lang ako sa kanya.. pumara sya ng tricy tapos pinasakay nya ako.. then tumabi sya..   

naiinis na ako ha!

"nikko--"

"ilang beses ko bang uulitin na nakokon--" nakatingin lang ako ng diretso tapos tumutulo na yung luha ko.. nakakaasar naman eh!  

"hey"

"bipolar ka ba? diba galit ka? eh bakit ganito? kung nakamove on ka na, wag naman sana ganito.. cause you're making it harder on my part. I hope you know it."   tapos tumingin naman ako baba then sa ibang direksyon.. wala nang nagsalita samin after nun...

Stay Away Stranger (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum