chapter 18

438 4 0
                                    

**18**

Wala pa rin ako sa ulirat nung biglang may tumawag sakin… syemperdy sinagot ko

“o?”

“ha? ok ka lang?” nagulat naman ako

“aw joke, hello, sino po sila?”

“si jade”

“jade?”

“yes”

“AY JADE! Teka, sorry, wala lang ako sa mundo… parang iba ata yung boses mo ngayon?”  

“ ah, may ubo ako ngayon, ang sakit nga ng lalamunan ko eh”

“aa.. o bakit ka napatawag?”

“wala lang, para may kausap”

“oi ikaw! Ginising mo ako kanina!”  

“aw! Naistorbo ba kita? Sorry”

“ok lang, tapos na eh!”

“haha! Ayos a! so, kumusta?”

“mabuti naman, medyo busy, medyo lang naman, ikaw?”

“ito, busy rin, palaging gabi na nakakauwi..” nakita ko naman na malapit na magtime kaya nagsisipasukan na sila

“ah, ganyan siguro talaga paggraduating na no?”

“siguro nga.. ARAY!” bigla nalang syang sumigaw  

“anong meron jade?” 

“wala, may langgam kasing umepal! Ang laki tapos pula pa!”tumawa naman sya

“hahaha! Naku! Ayoko rin sa langgam!”

“o, sige pala, baka nakakaabala na ako”

“hindi naman, pero kailangan na kasi naming magpractice ulit sige pala bye!”

“bye!” tapos pumasok na rin ako..

Nagsiposisyon na kami, ngayon kasi, dependent muna kami sa salamin since wala ngang watcher, wala pa kasi si Nikko, eh sya lang naman ang walang ginagawa sa amin…

Nung dumating naman sya eh bad mood… napataas pa yung kilay ko..

“nik, paabot naman ng mineral water dyan o”

“hindi mo ako yaya, Rico” 

“ay? Grabe! Nakikiusap lang naman, ako na nga” tapos si Rico nalang yung kumuha.. ano ba naman itong lalaking ito? Nilapitan sya ni Bianca

“anong meron?”

“nakakainis! Binangga ako nung mag freshmen kanina nung papunta ako sa canteen, yan tuloy! Ang sakit ulit ng braso ko!”

“bakit naman hindi sila nag-iingat?” dapat sya ang mag-ingat para sa sarili nya

“ewan! Bwisit!”

“sinadya siguro nila yun!” tumingin lang si Nikko sa kanya… ang sama talaga ng ugali at nanggagatong pa! hay! Toxic!!

Dahil nga sa ganyang asal ni Nikko, hindi rin sya nakatulong sa practice.. kung hindi sisimangot, magrereklamo naman..naglabasan nga muna yung boys kasi naiinis sila kay Nikko, nung ako na yung nainis, saka naman ako sumabat..

“ano ba kasi?”

“ano?” 

“pwede ba? Kung ayaw mong tumulong, umuwi ka nalang? Hindi yung magrereklamo ka dyan kapag pinapakiusapan ka” 

“masakit nga yung kamay nya, manhid ka ba?” 

“alam ko, pero hindi naman siguro nun maaapaketuhan yung paningin nya diba? At isa pa, hindi kita kinakausap”

Stay Away Stranger (Completed)Where stories live. Discover now