“paano naman kasi, may salamin na nga sa paligid nyo, nagtatanong pa kayo”

“buti nga yung salamin kahit walang buhay, nakakatulong, yung taong may pilay, sakit sa ulo lang” inawat na ako nung mag kasama namin nun.. nilapitan naman ako ni Bianca, tipong sumugod sya…

“kapal mo naman!”

“sino kaya sa ating dalawa?”

“ikaw, kasasabi ko lang hindi ba?”

“ah, kakabago lang, mga isang segundo ang nakalipas, ikaw na raw”    tumawa naman sila..

“I hate you!”  

“as if I love you?” 

“argh!” tapos bigla nya nalang akong hinampas sa ulo.. hindi na ako nakaimik nun.. nahilo ata ako..

“BIANCA!! WHY DID YOU DO THAT!!” tapos tumakbo papunta sakin si Wella..  “kaizen, ok ka lang?”

“ha?” wait, tumutumba yung mga tao sa paningin ko..

“shh.. boys! Buhat naman o! dahil natin sa clinic si Kaizen”tapos bigla nalang akong umangat nun.. black na yung view pero naririnig ko pa sila..

pag mayroong nangyaring masama sa bestfriend ko, maghanda ka dahil higit pa sa baston ang ipapanghampas ko sa ulo mo! sisiguraduhin ko ring dudugo yan!” tapos wala na akong naalala…

Ang bigat sa pakiramdam pagmulat ko, feel ko rin na umurong yung dila ko.. hindi ako makasalita eh.. nung nilibot ko yung paningin ko, saka ko lang nalaman na nasa ospital ako.. hindi kasi ganito yung itsura ng clinic..

Dahan-dahan akong tumayo nun, ang bigat ng ulo ko..

“kaizen, ok ka na” si wella, ganun pa rin yung suot nya

“oo naman! Teka, gaano na ako katagal nandito?”

“8 hours?”  

“ngek? Anong oras na pala?”

“9pm po”

“hala! Si mama, nacontact nyo na ba?”

“oo, alalang-alala nga, bumili lang ng gamot mo, buti walang kung anumang naging damage sayo kundi sugat lang talaga.. naku! Baka nakapatay na yung nanay mo!”

“galit si mama?”

“naglalagablab sa galit”

“huhupa rin yun”

“matapos mabigyan ng disciplinary action si Bianca, baka mabawasan”

“oo nga pala, kumain ka na ba?” umiling lang sya, halatang pagod na rin sya at inaantok..

“umuwi ka na Wella, ok na rin naman ako..” then nagsmile pa ako 

“opo, sige, mukha nga eh, may magbabantay pa naman sayo habang wala yung mama mo”

“sino? Saan sya?” 

“nasa labas po.. medyo nananakit pa yung braso, ang bigat mo kasi eh! Binuhat ka nya, napilayan ata” 

“sama nito, sino ba? Papasukin mo na” tapos pumunta naman sya sa pinto..

Pumasok na nga yung substitute nya dala rin yung kung anumang prutas na yun.. ako nanahimik lang at nagthank you agad..

“o paano? Aalis na talaga ako, oi! Prutas ha, kumain ka.. at ikaw, bantayan mo ang bestfriend ko, Kundi lagot ka sakin!”nagclinch pa sya ng fist nya.. tumawa lang kami..

“hoy Nikko! Nakalimutan ko, ang lakas mo ah! Nabuhat mo pa si Kaizen kahit na may pilay ka.. iba talaga pag may something sa past no?" sinara nya agad yung pinto pagkasabi nya nun..

Nabalot nanaman ng katahimikan yung room, nung sobrang tahimik na talaga, bigla nalang syang nagsalita..

“sorry sa kanina, sa ginawa ni Bianca, pati na sa mood ko.. masakit lang talaga yung kamay ko”

“ok lang, salamat nga eh”

“natakot ako nung nakita kong dumudugo yung ulo mo at namutla ka na, adrenaline nalang siguro kaya kita nabuhat eh”

“aw.. salamat.. yung kamay mo?” with matching turo pa yan

“ito?” then nagsmile sya.. “ikaw? Kumusta ka na? ako pa ang inalala mo, ikaw yang andyan sa hospital bed, so, ok na ba ang pakiramdam mo?”

“oo a”

“matulog ka na, gabi na, dito lang ako. Promise” tapos lumapit sya sakin at umupo sa upuan sa tabi ng kama ko..  

“umuwi ka na”

“ako magbabantay sayo”  

“si mama, darating na rin yun, may pasok pa bukas”

“pinauwi ko na, pagod na yun kaaayos ng bills mo, ako muna, sige na, tulog na”

“ha?” 

“kulit mo, tulog na” tapos pinahiga na nya ako then kinumutan..

What the heck Nikko?!? Ano bang ginagawa mo?!?   

Dahil nga ang tagal kong tulog at kagigising ko lang, hindi naman ako makatulog pa.. kahit na pinipilit ko, walang epek e

Nung gumalaw naman ako, naramdaman ko ring may gumalaw sa tabi ko, si nikko pala, gising pa rin ata..

“ehem”

“gising ka pa?”

“hindi ako makatulog”

“ako rin”

“umuwi ka na kasi, hindi ka naman nakakatulog ng nakaupo”

“ok lang, yung braso ko kasi” humarap naman ako sa kanya nun.. hindi nya pala pinalitan yung bandage na nilagay ko kanina pang umaga

“ngek! Bakit ayan pa rin yung nakatali dyan? Asan yung binili nina Chavez?” 

“ok na ito”

“palitan mo, maluwag yan eh”

“hindi, mas komportable ako sa pagkakalagay mo

“aw.. umuwi ka na”

“ang kulit mo, ayoko”

“ikaw ang makulit eh, kaya ko na rin naman yung sarili ko, ok na ako”

“basta. Akin nga yung kamay mo”

“para san?” 

“basta” nag-alangan pa akong iabot nung una kaya nung hinawakan nya, tinanggal ko

“hindi ko sisipsipin ang dugo mo..” napatawa naman ako.. nagsakit bigla yung ulo ko.. asar!

“yan kasi, sabing matulog na eh” then kinuha na nya yung kamay ko, hinilot naman nya ng dahan-dahan.. may naalala naman ako

Yun kasi yung weakness ko, inaantok ako kapag hinihilot ako sa kamay, weird diba?

Nung medyo nafifeel ko na yung antok, saka naman ako pumusisyon para matulog na ng tuluyan, hanep naman o! bakit ba ganyan ka Nikko ngayon?

***

Mataas na yung sikat ng araw at may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.. kaso lang wala namang magbubukas nun kasi nga tulog pa itong kasama ko, ako naman ay nakadextrose.. pero nung talagang hindi pa rin tumigil yung katok, tumayo na ako para buksan.. nagulat nalang ako nung inangat ko yung katawan ko.. heck naman talaga! Tell me, paano ako makakatayo?

Kung hawak naman ni Nikko yung kamay ko? Aber daw. 

Stay Away Stranger (Completed)Where stories live. Discover now