Chapter 15 ~ Ang salamin (Last chapter)

912 21 16
                                    

15. Ang salamin ♔

| Zero Cross POV | -_-#

"Zero, what you did there isn't funny. Seriously, it wasn't funny at all. Man, you tripped the girl!" Nahilamos ni Shiki ang pisngi niya. "You humiliated her infront of everyone and you made her cry. And then you are here, sitting pretty without feelin guilty? Dude, that's not nice!"

"Shiki, don't you think you're being too far? Kanina mo pa ipinagduduldulan na kasalanan ni master-"

"What the fvck Ru? Too far?! Sino ba sa tingin mo ang may kasalanan? Sino ba itong bully na walang ginawa kundi mamahiya? Ang master mo deba? So, stop defending him for christ sake!" Nagpamaywang si Shiki at matalim akong tinitigan. "You know what, Zekki's right. Kinukunsinte niyong lahat si Zero kaya hindi niya alam kung kung anong tama sa mali-"

"Kinukunsinte mo rin naman siya deba? Sa pagkaka-alam ko, kayong dalawa ni Zekki ang nagturo sakanya na maging matigas kaya Shiki, wag kang nagrereklamo ngaun na bully siya at isisi samin ang lahat dahil alam mong may kasalanan ka rin."

"Kinukunsinte?" Tumawa si Shiki. "I was too young back then and bullying was quite fun. Yung pagbuhos niya ng beer sa mga babae ni Zekki sa clubhouse, that was really funny 'cos those sluts deserve that pero yung pagtisod niya kay Macah? Dude, she's too nice to be hurt." Umiling-iling siya. "Dumugo ang tuhod niya, napahiya siya at basag ang salamin niya. She was really hurt. And Zero never apologize-"

"Why would he apologize?" Putol sakanya ni Opi. "Sa dami ng mga ni-bully ni master, mas malala at mas matindi pa dun, humingi ba siya ng tawad? Hinde deba? Yung ginawa niya sa Macah na yun, wala man yun sa kalingkingan ng pambu-bully niya dati. Alam mo yan Shiki. Alam mong maswerte pa nga siya dahil yun lang ang kinahinatnan niya."

Tumango si Wacky at hinarap si Shiki. "Yeah right. Masyado na siyang desperada sa paghahabol at tama lang na turuan siya ng leksyon ni master nang malaman niya kung saan siya lulugar. Siguro naman magpapakalayu-layo na siya pagkatapos ng nangyari deba?" Ngumisi si Wacky. "Masaya si master sa ginawa niya kaya maging masaya kana rin Shiki."

"Really? If he's happy, then this time, I'll tolerate his rudeness." Seryosong sagot ni Shiki at hinarap ako. "Ngaun Zero, sabihin mo nga, masaya ka ba sa kabalbalang ginawa mo? Dahil kung masaya ka sa ginawa mo, pipilitin kong kunsintihin ka. Pero Zero, masaya ka nga ba?"

Na-out ako sa flappy bird na nilalaro ko kaya binato ko ang cellphone ni Opi sakanya at tiningala ko si Shiki na ngaun ay seryosong nakatayo sa harap ko.

Yeah I was playing the whole time but I was paying attention. Pinapakita ko lang kay Shiki na wala akong pake sa mga pinagsasabe niya nang tumigil na siya at umalis na lang dahil ayoko na siya dito. Hindi ako interesado pero alam ko kung anong takbo ng usapan nila.

Kailangan ko lang namang sabihin kay Shiki na masaya ako deba? Yun lang ang sasabihin ko para tigilan na niya ako sa kadramahan niya.

Tumango ako at umambang magsasalita pero nang biglang sumagi sa isip ko ang itsura ni Macah kahapon, nakadapa at... umiiyak, napaawang ang bibig ko. Tngina masaya ba ako sa ginawa ko? Natural hindi.

"Hinahayaan ka naming mam-bully noon at ngaun dahil sabi mong nasisiyahan ka kapag may nasasaktan ka at doble ang saya mo kapag may napapa-iyak ka. Ngaun Zero, masaya kana ba dahil napaiyak mo na rin siya?"

"Hindi." Diretso kong sagot. Nanlaki ang mga mata nilang lahat.

"Hindi ako masaya. May dahilan ba para maging masaya ako?" Humalukipkip ako. I was being honest. Ano bang nakakatuwa sa ginawa ko sakanya? Hindi ko naman ginawa yun para sumaya ako. Mga tanga ba sila?

Ano ngaun kung tinisod ko siya? Kasalanan niya dahil pinapainit niya ang ulo ko. Nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita ko siyang lumalandi sa iba. Kinasusuklaman ko sa lahat; malandi at sinungaling.

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon