Chapter 13 ~ Ang panget

703 19 12
                                    

13. Ang panget ♚

| Macah Kim POV| (*¯︶¯*)

Naglalakad ako habang seryosong binabasa ang isang librong nahanap ko sa isang book shelf dito sa may library. Mapapakinabangan namin 'to ng mga ka-group ko. Meron kase kaming group research ngaun sa Chemistry subject namin.

May narinig akong parang tangang sumipol sipol dito sa loob ng library. Observe silent nga deba? Ay naku, mga CA students talaga.

Hinanap ko ang sumipol. Napawi ang kunot kong noo ng makitang si Shiki ang sumisipol. Ngumisi siya saken at kumaway.

"Oy dito nga!" Natatawang tawag niya saken sa may table nila. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ko sila ng mapansing nandoon ang pinakamamahal kong si Zero.

"Hello Zero! Nice to see you!" Nagpacute ako sa harap niya. Taena sana nagka dimples ako para kahit pangit ako, attractive parin akong tignan pag ngumiti.

Tamad na humilig lang si Zero sa upuan niya at nilaro ang ballpen niya. Nye nice talking. =___=

Bumungisngis ang mga alipores niyang sina Opi nang nagmukha akong kahiya-hiya sa inasal niya. Pahiya, nanaman. π_π

"Wag niyo akong tinatawanan. Walang nakakatawa." Matalim na tinitigan ko sila isa-isa. Syempre except si Zero babes. Hindi ko siya kayang irapan ng basta-basta lang. Madudurog ang puso ko. Nyehehehe.

Tumayo si Shiki at inabutan ako ng itim na card.

"Ano 'to?"

Ngumisi siya at pinisil ang pisngi ko. "Honey, it's an invitation.. only for you," kinindatan pa ako ng may kalandiang si Shiki. Anyways, ba't andito 'to? Taga ibang section 'to uh?

"Whoah, you're hitting on her? Dude she's a nerd for god sake!" Humagalpak sila ng tawa. Si Zero lang ang walang kibo at mukhang galit, nanaman.

"I know! But she's not just a nerd." May makahulugang ngiti sa labi ni Shiki ng sumulyap siya saken.

"What do you mean?" Humalukipkip si Zero at imbes na Shiki ang titigan niya, ako itong mas tinignan niya. Napalunok ako.

Tumawa si Shiki at umiiling na tinignan si Zero. "Hey, are you curious now?"

Kumunot ang noo ni Zero. "Bakit ako ma cu-curious?" He looks annoyed.

Shiki shrug. "Dunno?" Ngumisi siya at nagtaas ng kilay ng bumaling saken. "Anyway, It's an invitation for my sister's welcome celebration. Hope you'll be there. Zero's coming as well," aniya'ng nakangiti at sumulyap sa pinsan niyang iritado na talaga.

"Okay lang ba kung pupunta ako?" Nag-aalinlangan na tanong ko kay Zero.

Napangiwi siya. "Why asking me that?"

"Baka kasi ayaw mo ako dun?" Nilaro ko ang fish braid ko.

"Talagang ayaw ka niya!" Natatawang inayos ni Wacky ang magulo niyang buhok.

"Imposible. Hindi naman kita siguro iinvite kung kontra si Zero deba? He wants you there, so be sure you'll come. Understand, dear?"

"Really?" Napangiti ako at tinignan si Zero na ngaun ay naka busangot na talaga.

"Shiks, pinapaasa mo naman ang kenkoy ye?" Nagtawanan nanaman ang mga kontrabida. =___=

"Geh alis na ako. May research pa kase akong tinatapos. Thanks for this!" Nginitian ko si Shiki. Tumango siya at ngumiti din.

"Tss, lukaret." Namilog ang mata ko sa sinabi ni Zero. "Oh? Tinitingin tingin mo?" Nag-angat siya ng kilay. Umiling lang ako at natahimik sa kagwapuhan niya. Ibang klase ang ka seksihan niya kapag nagtataas siya ng kilay. Aaah! Kilig much teh. Wehe. *^▁^*

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon