Chapter 11 ~ Ang toothbrush

790 22 11
                                    

11. Ang toothbrush ♥★

| Macah Kim POV | (*^^*)

Nanginig ang kamay ko ng makita ang napaka gwapong ngisi ni Zero. God, I can't believe this! He's smiling at me for god sake!

"Ano ba naman itey, nangawit na aking magandang panga! I capture mo na ng mapaprint ko na! Kaloka 'tong panget na 'to." sinakto ko ngang ni capture ang picture niya ng magkasalubong ang kilay niya at nag-aalburoto na siya sa inis saken.

"Sinong panget ngaun?" humalakhak ako ng makita ang panlalaki ng mata at ng butas ng ilong niya pagka abot ko ng camera niya. Mukha lang naman siyang linshak doon sa shot.

"Zero isang take pa please? Hindi sulit yung bayad ko!" hinarapan niya si Zero."Kasalanan ng babaeng nerd na yan! Gusto talaga niyang masira yung picture naten! Huhu!" halos mag-iiyak yung looser na babae. Tinawag niya pa akong nerd? Linshak na linta. (=︸_︸=)

"Sira yang mukha mo kaya sira din yang picture." sagot ni Zero habang binibilang ang makapal na salapi. "Hoy ikaw! What are you waiting for? Tara na!" sigaw niya at nag walk out na.

Para akong shungang nakangising sumunod sakanya. Sinundot ko ang tagiliran niya. "Ayiee! Pinagtanggol mo ko! Aminin mo! Kilig much!" sobrang lapad ng ngiti ko ngaun.

Sinulyapan niya ako sabay binulsa na ang mga perang kinita namin. Ayaw na niyang pahawak saken. Malas daw ako kaya kami na holdap kanina. *^*

"Just shut up, you mongoloid." inirapan niya ako.

Nag pout ako. "Anong sasakyan naten pauwi? Tricycle, jeep, taxi-"

"Sa tingin mo mapapasakay mo pa ako sa taxi at sa lesheng jeep na yun pagkatapos nagkanda malas-malas ang buhay ko?!"

"Grabey naman.Kung makasabi ka naman ng ganyan para namang napariwara ka at para naman sinabotahe ko ang buhay mo." ngumuso nanaman ako.

"Parang?" nanlisik ang mga mata niya."Hindi parang! Totoong ginulo mo ang buhay ko at hindi 'parang' yun!"

Mariin ko nalang na kinagat ang labi ko ng hindi na humaba pa ang usapan namin. Kanina pa kasi kami nagsisigawan ye. Nung una kinikilig pa ako pero ngaun hindi na masyado. =___=

"Zero, kaloka at bakit ke gwapo-gwapo mo? Naka-ipon nanaman tayo ng sandamakmak na salapi dahil lang sa gandang lalake mo. Gosh kung wala kang ganyang mukha ngaun, malamang nilosyang na tayo! Iba talaga yang kamandag at alindog mo! Napapakinabangan talaga!" humalakhak ako ng hindi ko na napigil ang pagkainip. Nu bayan, alang nadadaan na sasakyan. Disoras na kasi ng gabi. Mag motel nalang kaya kami ni Zero? Ahihihi kilig much!

"Bakit, may ibang paraan pa ba? Hindi naman ako pwedeng umasa jan sa pagmumukha mo dahil talaga namang nakakasuka."

"Grabe ka naman kung makapagsalita Zero! Wala na akong ibang ginawa kundi purihin yang pagmumukha mo at wala kana rin ibang ginawa kundi laitin 'tong fez ko. Maganda talaga ako kung alam mo lang!" Zero, kung alam mo lang talaga. MAGANDA AKO PRAMIS PEKSMAN MAMATAY MAN!

"Ikaw, maganda?Really?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Naman! Yes! Maganda talaga ako kaso..."

"Kaso ano?" lalong tumaas ang kilay niya.

Tumungo ako at pinisil ang mga daliri ko. "Uhm... Kung magpapaganda ako, gaganda naman siguro ako deba?" sinulyapan ko siya.

"Maganda ka?" tinitigan niya ako at nabilaukan talaga ako. Ang gwapo niya shet! Di ko na keri 'to!

"Ayoko." biglang sagot niya ng may huminto ng bus sa harap namin. "Ayokong gumanda ka." aniya at sumakay na sa bus. Sandali muna akong tumunganga bago ko napansing paalis na pala ang bus. Buti nalang alerto ang mga binti ko. Lesheng driver 'to, iiwan ba naman daw ako?Pero theres something weird. Sinabi kong maganda ako at for the first time in history, hindi siya komontra. Dapat ba akong matuwa o ano? o>_<o~

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon