Chapter 1 ~ Zero Cross

1.3K 27 7
                                    

1. Zero Cross┗ ( ・o・) ┓

| Macah Kim POV |

Hirap na hirap ako sa paglakad dahil sa haba ng suot kong saya. Tinatahak ko ngaun ang hallway ng isang Hotel kung saan pansamantala muna akong mag s-stay for tonight. Ala pa kasi akong nahanap na apartment. Yeah, apartment lang. Kakaririn ko ang aking mission impossible at papatunayan ko sa dalawang impaktang yun na malalandi ko ang lalakeng yun kahit na sukdulan pa ang kapangitan ko. Aba, malakas ata ang alindog ko. Heller, I' am Macah Kim! Ma-appeal kaya ako.

Inayos ko ang malaki kong salamin na pamana ni lola at mas matanda pa saken ang itsura saka ko na tinuloy ang paglakad. Well, andun na siguro ang mga gamit ko ano? Sabi ni daddy, ayos na daw lahat. Bute naman dahil yokong naiistress ang beauty ko.

Ang bilis natapos ng bakasyon kaya eto ako at nasa Manila na para mag enroll sa Cross Academy at gawin ng makatotohanan ang aking mission.

Binuksan ko ang pinto gamit ang susi na inabot ng babae kanina sa front desk.

"Not bad." Suri ko sa itsura ng loob. It looks classy naman. Bagay sa ganda ko.

Nagpanting ang tenga ko ng makarinig ako ng ungol ng babae. Malakas na ungol na nagpatindig ng balahibo ko at nagpawala ng dugo sa mukha ko.

Namutla ako at nataranta. "Oh my gosh, may multo?" Umamba na akong lumayas ng makakaripas na ako ng takbo at magsisigaw sa takot pero biglang nagsalita ang linshak na multo.

"Ugh! Ahhh! Sarap! Pakshit ka Zero! Ughhhh!"

Gumagawa ata ng milagro ang mga multo? Tumingkayad ako at dahang-dahan naglakad papunta sa kwarto kung saan may mga malilibog na gumagawa ng milagro. Mga walangya. Pinasok ba naman ang suite ko? Dinudungisan nila ang tirahan ko! Hindi ko 'to matatanggap! Mga tresspassing!

Sumilip ako sa gilid ng pinto. Namasid ko agad ang hubad na likod ng lalake na nakapatong sa babaeng nakahiga habang nakapikit naman at sarap na sarap ang malibog na babae sa kung anung ginagawa ng lalake sa may leeg niya. Parang lumundag at nahulog ang mga mata ko sa nakita ko. What the fuck, may bed scene na nangyayari sa aking bed! Gosh kaderder!

Kinilabutan ako ng marinig ang bahagyang pagtawa ng lalake. Gosh, ang gwapo ng boses!

Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang paghalik ng lalake sa may dibdib ng babae na sa kasamaang palad ay naka bra lang. Nag init ang babae at sinabunot ang buhok ng lalake. Panay ang ungol niya. Wow live ang bed scene dito. =__=

Namula nalang ang mukha ko ng matitigan ang kamay ng lalake na gumapang sa may boobs niya. Sarap na sarap naman ang higad!

Nag init na ang ulo ko sa mga nakikita ko kaya hindi  na ako nakapagpigil pa.

"Hoy kayong mga makakate! Lumayas kayo jan!" Halos mawalan ako ng boses sa isinigaw ko. Gosh, this people are so gross. Ganto ba ka liberated ang mga madla sa Maynila?

Sa awa naman ng diyos ay itinigil nila ang lampungan nila sa kama. Natigilan sila at mabilis na bumaling saken ang babae. Nanlilisik ang mga mata niya. Hindi kumibo ang lalake. Parang nakatulog na ata siya sa may hubad na tiyan ng babae. Well, magkapatong parin sila guys. =___=

Sinugod ko siya at pinagpapalo sa likod. Ang weird kase parang nakuryente ang kamay ko ng dumampi ang kamay ko sa hubad niyang likod.

"Oi wag mo akong tinutulugan!" Tinigil ko na ang pagpalo sa likod niya kase parang kinikilig ata ako. "Tresspassing kayo at isusumbong ko kayo sa pulis! Kala niyo uh?" Hinamon ko ng tingin ang babae na ngaun ay inaayos na ang bra niyang bumaba.

Tumawa siya at hinarap ako. "Di magsumbung ka. Istorbo ka!"

Tumaas ang altapresyon ko. Maganda 'tong babae na 'to pero masasampal ko talaga 'to. Pigilan niyo ako. →_→

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon