Chapter 2 ~ Macah Kim

1.2K 25 3
                                    

2. Macah Kim

Masarap ang upo ko ngaun habang para akong patay gutom na nilalantakan ang napakaraming pop corn. Tinaas ko ang paa ko at humagalpak sa tawa dahil sa pinapanood kong comedy movie ni Adam Sandler na nalimot ko na kung ano ang title. 50 first date, err, whatever! Basta love ko talaga si Adam. ∩__∩

May kumatok sa pinto. Bumusangot ako at ni-pause muna yun at tamad na tumayo para buksan ang pinto. Humihikab ako ng nabuksan ang pinto at kaagad na tumambad sa pagmumukha ko ang babaeng may mahaba at dilaw na buhok. Kinamot ko ang ulo ko. Si Tammy lang pala!

Napangiwi siya. "Ay sorry, wrong door." Sabay talikod niya at luminga linga sa mga pintuan habang naiinis na binabasa sa cellphone niya ang address na ni-send ko sakanya.

Kumunot ang noo ko at hinila ang buhok niya.

"H-hoy! How dare you!" Nagalit agad siya sa ginawa ko.

Sinapok ko siya. Napahawak siya sa ulo niya at nanlalaki ang mga mata niya nang tinignan ako. "Macah?"

"Yeh right." Nagpamaywang ako. Kung hindi ko siya sasaktan ay hindi niya ako makikilala.

Nalaglag ang panga niya. "Oh my god, are you kidding me?!"

Umirap ako at kinaladkad nalang siya papasok. Nang nasa loob na ay gulantang parin siya at hindi makapaniwala.

Ni head to foot niya ako. Nakapang manang na long sleeves ako at mahabang saya. Suot ko rin ang aking vintage glasses.

"Anyare Macah? Anyare sa face mo? What the hell happen to you?! You look nerdy! You look ugly! You look like a total looser! Damn it, you look ugly pathetic!"

"Wow thank you uh? Mukhang masayang-masaya kang nakita ako uh? Tagos ang pangungutya mo!" Sinapak ko nga ang bruha. "Kung makalait ka naman!"

"Gosh, I' am just saying the truth! Nabagok ba yang ulo mo at nagpakapangit ka ng ganyan? The last time we skype, you look pretty gorgeous! Macs, five years lang nung umalis kayong Manila papuntang Cebu, five years lang tayong hindi nagkita in person pero I saw you online, hindi ka naman ganyan the last time I checked!"

"O bakit ba? Eh gusto kong magpakapangit muna! Sawang-sawa na akong maging maganda. I want something new! Something different and something fun!" Pagsisinungaling ko. There's no way na sasabihin ko kay Tammy ang about sa bet namin nina Breanna. Kilala ko 'tong si Tammy, bestfriend kami mga bata palang kame, alam kong bruha siya at kakalbuhin niya ang maganda kong hair kapag kinwento ko sakanya ang pustahan namin nina Breanna at Ashley na siyang nag-udyok saken dito sa aking nerd transformation.

"NAHIHIBANG KANA BA?!"

Halos mabingi ako sa pagsigaw niya. Brutal talaga itong si Tammy. Nagsisigaw at nagtatalak pa siya dahil hindi niya matanggap na nagpakapangit ako dahil trip ko lang. Hinayaan ko nalang siya. Aapaw din ang galit niya saken. Mabilis kaming magbati. Hihi.

"Minsan talaga hindi kita maintindihan! Hindi pala minsan, madalas! Kung ano lang ang pumasok jan sa kokote mo ay ginagawa mo! Alam ba ng mommy at daddy mo ang tungkol dito? O ang kuya Demolei mo? Coz I don't think they don't know something about this. I bet, they wont allow this! This is effin crazy!"

"Oh my god, ofcourse they don't and you can't tell them! Don't you dare Tamms! Hindi nila pweding malaman ang about dito. I' am telling you, they will drag me out of Manila at ibabalik nila ako sa dati kong school! You got no fucking idea kung ano ang pinagdaanan ko mapapayag ko lang sila na bumalik ulit ako ng Manila at mag enroll ulit sa Cross Academy. I almost begged them, especially my kuya!"

"I knew it." Napahawak nalang siya sa ulo niya at napa-iling. "Coz they know you can't live alone. You're such a spoiled brat and I don't think you'll be smart about dealing things. Hindi ko nga alam kung makakaya mong ikaw lang mag-isa. Like seriously, kilalang-kilala kita Macah." She sigh.

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon