Chapter 9 ~ Ang taxi

848 18 9
                                    

9. Ang taxi

|Macah Kim POV| (♥♥,)

"Oo hindi. Ipangako mo lang saken na hindi mo huhubarin ang salamin mo. Kung pweding idikit yan sa mata mo, gawin mo... wag ko lang ulit makita ang mukha mo." napatunganga ako sa seryosong mukha ni Zero at dahil sa lintek niyang kagwapuhan, hindi ko napansin ang isang bato na nakakalat lang sa daanan. Dahil isa akong tanga, nasamid ako. Diretso akong napaluhod sa sementong daan. Napabitaw ako sa hawak ni Zero. Napangiwi ako ng makita ang dinudugong tuhod ko. (︶︿︶)

"Ugh! Oh my god, it's bleeding! Oh my god!" pinaypayan ko ang mahapding tuhod ko. "What to do?! Baka magka peklat neto ang legs ko. Oh my god!" nag inarte ako at naging OA muna ako ng marealize kong nakatayo pa pala si Zero sa harapan ko. Nasampal ko nalang ang bibig ko sa kaartehan ko. Tiningala ko si Zero. Nakaawang ang bibig niya habang nakatitig sa duguan kong tuhod. Nakita ko ang pamumutla niya. Nalaglag ang panga ko ng makitang bahagyang nanginig ang kamay niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at parang dudugo na ang labi niya sa sobrang pagkagat nito.

"Zero, anong problema? Okay ka lang ba?" imbes na siya ang magtanong nito, siya itong tinanungan ko.

Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagkagat ng labi niya habang mariing nakapikit. Pinilit kong tumayo. Napapikit ako sa hapdi ng sugat ko.

"Zero, what's wrong?-"

"BOSS AYUN SILA ZERO! DITO DALI!" natigilan ako ng umalingawngaw ang sigaw. Nanlaki ang mata ko ng makitang papalapit na samen ang mga lintek na gangster nayun.

"Zero c'mon! Ano ba, wake up!" sigaw ko sabay yugyog kay Zero. "They're coming! Gosh Zero, umayos ka na!" napapa English na talaga ako dahil sa pagpapanic ko. OMG what to do? >O<

"WALA NA KAYONG TAKAS NGAUN! CORNER NA KAYO! MWAHAHA!" humagikhik sila sa tawa ng makitang nakatunganga lang kami sakanila. Kinagat ko ang labi ko at nalaglag talaga ang panga ko ng makitang ganoon parin si Zero. Nakapikit at parang namumutla. Damn! Anyare sakanya? Nilunok ko nalang ang laway ko at hinigit siya ng napalakas sabay takbo ng napakabilis.

"MGA GAG0 TUMATAKAS NANAMAN SILA! BILISAN NIYO ANG TAKBO PAKSHET OHH!" hindi ko alam kung bakit biglang nag evolve ang bilis ng pagtakbo ko ngaun. Para akong nakikipaglaban sa game Olympics sa sobrang bilis kong tumakbo. Partida, may sugat pa ako uh? Physically fit din pala ako? Nyehehehe.

Kinalimutan ko ang hapdi ng tuhod ko. We need to get out of this place! Run, run, run!

Umilaw talaga ang mata ko ng makita ko ang taxi na para bang hulog ng langit para samen ngaun. Naka park ito sa gilid ng daan.

Hinihigit ko parin si Zero at hindi pinapansin ang sigaw ng mga walang kwentang pusit nayun. Hinihingal ako ng tumigil sa harap ng taxi. Nilingon ko ang mga ugok at napahalakhak ako ng makitang medyo malayo pa sila at hihingal-hingal pa. Bute nga!(# ̄▽ ̄#)

"Anong nakakatawa?" namilog ang mata ko ng marinig kong magsalita si Zero. Binalingan ko siya ng tingin. Nakahalukipkip siya at nakataas ang kilay. Pabalik balik ang tingin niya saken at sa mga gangster na mukhang nanghihina na sa paghabol samen.

"Gising kana?Kelan kapa gising? Nagising ba kita?" umirap lang siya sa sunod-sunod kong tanong.

"Masaya kapa, eh mahuhuli na nila tayo. Baliw kaba?" napangiwi siya habang tinitignan ang mga pangit na yun na ngaun ay malapit na.

Nataranta ako ng makitang papalapit nanaman sila.Hinawakan ko ang kamay ni Zero para mahigit siya papasok sa taxi pero tinabing niya lang ang hawak ko.

"Wag mo nga akong hahawakan."

"P-pero ayan na sila! Sakay na tayong taxi para makatakas!"

"Ayoko.Hindi ako sumasakay ng taxi. Bahala ka jan." umirap siya at tinalikuran ako.

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon