Chapter 4 ~ Ang mission

1K 20 1
                                    

4. Ang mission

Nilagok ko ang medyo malamig ko ng kape at parang tangang ngumisi-ngisi sa kawalan. Ewan ko kung anong tinatawa-tawa ko. Nababaliw nanaman ako. Ilang araw palang ako sa Cross Academy pero baliw na ako. Ganto ako kapag naiistress, nawawala sa ulirat. =___=

Humikab ako at pinanood sa labas ng salamin ang mga taong nagjo-jogging. Madaling araw pa kaya tumambay lang ako sa dito sa 7eleven. Tapos na rin akong nagtatakbo sa labas. Kumalam lang ang sikmura ko kaya rest mode muna ako. ∩__∩

Nakahanap na rin ako ng cheap na apartment malapit sa CA. Walking distance lang kaya sinunggaban ko na kahit na di ko sure kung magtatagal ba ako dun. Bahala na! Push ko 'to. Wehe.

Napapa headbang ako sa lakas ng music. Oh my god, I love this song! I love rock! Sumabay-sabay ako sa kanta at pinitik pitik ang mga daliri ko. Para akong tanga na pinipilig ang ulo ko nang bigla nalang may tatlong napaka pamilyar na lalake ang dumaan sa harap ko. Kaagad na hinanap ng paningin ko ang leader nila. Nanlumo ako ng makitang hindi nila siya kasama. Haay, malas! (__ __")

Pumasok silang tatlo sa convenience store at kaagad na napukaw nila ang atensyon ng lahat dahil sa malakas na tawanan nila. Nangisay sa kilig ang dalawang babaeng katabi ko.

Ngumuso ako at pinasadahan sila ng tingin. Si Ruji ay tahimik lang na kumukuha ng hot cofee niya habang sina Opi at Wacky ay nagbabangayan. Silang lahat ay naka school uniform rin tulad ko. Ang aga pala nilang pumapasok sa school? Nye, wala kasi sa itsura. =___=

Ni-pause ko muna ang player ko at pasikretong pinakinggan sila sa usapan nila.

"I' ve been searching for him but he's nowhere! Why d'you guys always over react? Malay niyo umuwi lang siya sa bahay nila, o kaya may pinuntahan deba? Kaya na ni master ang sarili niya." Ani Wacky na medyo iritado na.

Humalakhak si Opi. "Wax, calm the fuck down. Di ka namin sinisisi. Hinahanap lang naman natin si master. Oh bakit ba ang init ng ulo mo ngaun?"

"Kasalanan ko ba kung pag-gising ko wala na siya sa kwarto niya? I can't just barged-in inside his room and check if he was there. You know how much he hates that."

"Guys, stop that shit." Saway sakanila ni Ruji. "He'll be fine."

Natahimik na sila sa maikling sinabi lang ni Ruji. Guess he's the mature one among all of them?

Kumunot ang noo ni Wacky ng makitang pinapanood ko sila at nakikinig ako sa usapan nila. Bumulong siya sa dalawa at sabay-sabay nila akong tinignan saka inirapan. Mabilis na bumaling ako sa harap ko at ni-play ang music ko. Whoah, mga salbahe!

Nang umalis na sila ay mabilis na rin akong tumayo at kumaripas papuntang CA. Kaagad na sinalubong ako ng inaaantok na guard.

"Si Zero po? Pumasok na ba?" Pagtatanong ko.

"Oo?" Nag kibit balikat siya habang nakapikit.

Nabuhayan ang katawang lupa ko at kaagad na tinahak ang loob. Medyo madilim parin dahil 5:30 palang ata ng umaga. Asaan kaya si Zero?

Hinalughog ko na ata lahat ng classrooms at madalas pagtambayan ni Zero pero ala siya! Kahit sa gym ay pinuntahan ko na. Baka naman wala naman siya at nananaginip lang si manong guard?

Hinihingal ako ng pumasok ako sa elevator at pinindot ang 5th floor. Tumindig ang balahibo ko ng marealize kong ako lang pala ang nandito sa loob. Oh god, this is so creepy! Zero, where are you na ba? I' am so nag-aalala na. ╮(╯3╰)╭

Niyakap ko ang sarili ko habang para akong tanga na nagmamasid sa medyo madilim na hallway. Lumapit ako aa harap ng front door at suminghot. Nagbabakasali na maamoy ko ang mabangong halimuyak ni Zero babes. Wehehe.

Courting ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon