Chapter 27

14.2K 369 25
                                    

Dave POV

 

 

Hanggang ngayon hindi kami makapaniwala na si Ken ang may kagagawan ng pagkamatay ng Kuya ni Sandra….At ang pagkuha kay Charice. Andito kami ngayon sa libingan niya kasama ko si Carl, Meij, Charice at Sandra.. Wala si Edward at Kate dahil nasa America nalaman nila yung nangyari gusto sana nilang umuwi agad pero walang available na flight para sa kanila.

Umupo ako at hinawakan ang lapida ni Ken.

‘Takte ka pre….Ang bilis mong mang-iwan ah! Akala ko ba walang iwanan?’ naiiyak kong sabi. Lumapit sa akin si Charice at niyakap ako.

‘Ang daya mo….t*ngin* mo pre…. Badtrip ka.’ At dun humagulhol na ako ng iyak.

‘Oh pre….Eto pala yung sinabi mo sa akin na ipagawa kong kwintas..’ pinunasan ko yung pisngi ko at tumingin kay Carl na nakatayo sa tabi ni Sandra.

‘Ibibigay ko na kay Sandra…Diba sabi mo kung sakaling may mangyaring masama ako na lang magbibigay nito? Nakita ko na namumuo yung luha ni Carl at tumingin siya kay Sandra na nakatingin lang sa lapida ni Ken Wag kang mag-aalala pre babantayan namin si Sandra…Hindi namin siya pababayaan… Pumunta sa likod ni Sandra si Carl at sinuot ang kwintas Sabi ni Ken tanda daw yan ng pagmamahal niya sayo….’ Sabi ni Carl at yumakap kay Meij.

‘Tssss.’ Hinawakan ni Sandra yung kwintas na sinuot ni Carl.

‘Pwede na akong maholdap nito.’ Natatawang sabi niya.

‘Bakit naman?’ tanong ni Charice.

‘Dalawang kwintas na ang suot ko eh….Kinagat ni Sandra yung labi niya At ang dalawang nagbigay nito wala na….’ bumagsak ang luha na namumuo sa mata niya at umupo sa tabi ko.

‘Mahal na mahal kita Ken……Mahal na mahal…’ hinawakan niya yung lapida ni Ken at humiga siya dun.

Tumayo ako at si Charice…Pinagmasdan na lang namin siya na umiiyak.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now