Chapter 25

11.9K 325 41
                                    

Kate POV

 

 

 

It’s been a 2 months pagkatapos ng mga nangyari lahat. Gumaling na yung mga sugat sa buong katawan ko pero may mga peklat pa rin.

Andito kami ngayon sa airport inaantay ko ang pagdating ni Lead. Aalis na kasi kami ni Edward papuntang America para maayos yung balat ko. Like duh! Gusto ko kayang gumanda pa rin. Baka mamaya tumingin sa iba si Edward ganitong pangit ako. Tsk.

‘Charice…Si Lead ba pupunta ba yun? Maya-maya tatawagin na yung flight namin.’ Sabi ko.

‘Teka lang ha! Tinatawagan ko pa eh! Relax ka lang.’ sabi niya habang nag-didial sa phone niya. Tapos si Dave naman nakayakap sa kanya. Itong dalawang to mas sweet pa sa amin ni Edward eh.

‘Papunta na daw si Bes.’ Napangiti ako sa sinabi ni Meij.

‘Paano mo nalaman?’ tanong ni Charice.

‘Tinext niya ako. Sabi niya ‘Im on my way.’ Pasabi kay Charice na stop calling me.’ Sagot ni Meij at napanguso naman si Charice.

‘Are you sure na tutuloy tayo sa America?’ napatingin ako kay Edward pinisil ko yung kamay niya.

‘Yup…3 or 4 years lang naman tayo dun.’ nakangiting sabi ko at kiniss niya ako sa noo.

‘Lang talaga?’ natatawang sabi niya at tumango ako.

‘Yow!’ napalingon ako kay Lead na seryosong nakatingin sa akin.

‘LEAD!!’ patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

‘Letse bumitaw ka nga!’ inis niyang sabi at tinulak ako ng marahan.

‘Aisshhh…Arte aalis na ako lahat-lahat ni konting sweet wala ka pa rin.’ Sabay irap ko.

‘Wag kang umarte…Di ka na maganda.’ Napanganga ako sa sinabi ni Lead. Nagtawanan naman si Charice, Meij, Carl, Dave, at Edward.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now