Chapter 17

9.4K 327 5
                                    

Sandra POV

‘SH*T!’ sigaw ko ng makita ko si Meij na pinukpok yung salamin ng kotse at umiiyak. Napahawak ako sa noo ko dahil masyado ng malayo ang tinakbo ng sasakyan. Damn it!


‘Lead…’ naiiyak na tawag ni Charice at Kate. Humarap ako sa kanila. Nakita ko si Dave at Edward na hinihingal at nakaupo sa sahig. Si Ken at Carl tumatakbo papunta sa amin.

‘Tawagan mo yung mga bata naten. Sabihin mo na pumunta sila sa mansion ni Meij. Ibigay mo yung address.’ Utos ko kay Kate na agad niyang kinuha yung cellphone niya at lumayo konti.

‘Charice. Tawagan mo si Blue.’ Seryoso kong sabi.

‘Lead? Si Blue? Bakit si Blue?’ tanong niya.

‘Si Blue lang ang kaaway ko.’ Sagot ko at tumingin ako kay Carl.

‘Paano nila nahatak sayo si Meij? Samantalang kasama ka niya?’ tanong ko.

‘Magkasama nga kami! Pero nagpaalam si Meij na kukuha daw siya ng pagkain nagulat na lang ako ng biglang may nabasag na plato at pagtingin ko nakita ko si Meij na kinakaladkad na.’ naiiyak niyang kwento.

‘Damn.’ Usal ko at naglakad ako paikot-ikot.

‘Sandra.’ Nagaalalang tawag sa akin ni Ken.

Maya-maya may mga dumating na mga naka-kotse at may mga naka-motor.Mga naglabasan yung mga lalaki. Mukhang maraming bago narecruit si Kate.

‘Lead.’ Tawag ng isang lalaki sa akin. Tumango ako.

‘Bakit dito kayo nagpunta? Diba sabi ko sa mansion?’ tanong ko.

‘Eh nag-alala po kami sa inyo eh. Kaya dito na lang po kami dumiretso. Ano pong nangyari?’ tanong nito.

‘Kinuha yung kaibigan ko. Didiretso kayo sa mansion at babantayan niyo sila.’ Tinuro ko si Ken, Dave, Carl at Edward.

‘Teka. Saan ka pupunta?’ tanong ni Ken.

‘Hahanapin namin si Meij.’ Sagot ko.

‘Pero sasama ako.’ Sabi ni Ken.

‘Hindi pwede. Maiiwan ka sa kanila. Masyadong delikado kung sasama ka.’ Sabi ko.

 

 

 

‘Pero—

 

 

 

 

‘Wala ng pero Ken.’ Seryosong sabi ko at tumingin ako sa lalaki.


‘Anong pangalan mo?’ tanong ko

 

‘Chester po.’ Sagot nito.


‘Isama niyo sila sa mansion nila Meij at babantayan niyo sila. Kahit anong mangyari wag kayong magpapasok malinaw?’ at tumango-tango sila bilang sagot.

‘Ken. Peram ng susi ng kotse mo.’ Binigay niya sa akin yung susi niya.

‘Babalik ako promise. Babalikan kita.’ Nakangiting sabi ko.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now