Chapter 3

22.5K 614 15
                                    

Ken POV

Pagkatapos namin mag-basketball pumunta kami sa tambayan namin sa bahay ni Carl.

'Pre. Tignan niyo si Carl nakangiti na naman.' sabi ni Edward sabay nguso kay Carl na nasa sofa at nakangiting nakatingin sa laptop niya.

'Kanina pang umaga yan ah.' sabi ni Dave na nagtetext.

'Kaya nga eh. Tss torpe naman.' sabi ni Edward sabay higa sa sahig.

'Anong gagawin naten dito?' inis kong tanong.

'Tatambay. Obvious ba?' tanong ni Edward.

'Alam ko na nakatambay tayo ngayon dito. Ano tutunganga na lang tayo dito? Mag-tititigan?' inis kong sabi.

'Highblood ka lagi eh no! Para kang timang.' natatawang sabi ni Dave.

Kaya naman tinignan ko siya ng masama.

'Sympre joke lang yun.' sabay kindat niya.

Nginisian ko lang ang loko. Dapat pala hindi na ako sumama. Edi sana natutulog na ako ngayon.

'Pre, Ang ganda ng babae na kasama ni Meij sa bar no?' pagbabasag ng katahimikan ni Dave.

'Oo nga eh. Sino kaya yun no? Ang astig pa.' sabi naman ni Edward na nakapikit.

'Matanong nga kay Meij yan.' sabi ni Dave.

'Guys.' nakangiting sabi ni Carl at tumabi sa akin sa sofa.

'Bakit?' tanong ko.

'Syet kinikilig ako pre!' sabi ni Carl sabay kuha ng gitara niya at nag-strum.

'Bakit nga?' tanong ko.

'Kasi napapayag ko si Meij na turuan akong mag-gitara. Edi makaka-bonding ko na siya.' nakangiting sabi niya.

'Naks. Dalaga na!' sabi ni Edward.

'Nice move. Ganyan dapat kapag may gusto ka babae kumilos ka hindi yung papatay patay ka at baka maunahan ka pa ng iba dyan sige ka ikaw din.' sabi naman ni Dave.

'Tss hindi ako papayag na may makauna sa akin. Dahil una pa lang sa akin at sa akin lang si Meij.' sabi ni Carl.

Tsss galawan ng mga torpe. Dapat ayain na niya agad si Meij na mag-date, baka ifriend-zone pa siya pag nagkataon.

Sandra POV

Pagkagising ko wala na daw si Meij. Masyado siyang excited sa pagkikita at pagsasama nilang dalawa ni Carl.

Kaya naman mag-isa akong pumasok sa school.

Bago ako pumasok sa room eh dumiretso muna ako sa locker ko.

Pagbukas ko ng locker ay may nakita akong papel.

RED PAPER: YOUR DEAD!

'Im dead?' bulong ko sa sarili ko at kinapa yung katawan ko.

Patay na ba ako?

Napailing ako at tinapon na lang yung papel sa basurahan. Kinuha ko yung mga libro ko at sinarado yung locker ko.

Pagkarating ko sa room wala pa rin si Meij kaya naman nakayuko akong umupo sa upuan ko.

'Oo nako nakakaawa naman siya mamaya'

'Tama ka dyan.'

'Buti nga sa kanya. Ang pangit naman niya kasi'

'Korek hindi naman siya bagay dito eh.'

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon