Chapter 15

12.1K 344 8
                                    

Ken POV

Napatingin ako kay Sandra na parang hindi mapakali dahil panay ang lingon nito.

‘Okay ka lang ba?’ tanong ko at pinisil yung kamay niya.

‘Ayos lang. A-ano kasi medyo di ako sanay. First time ko kasing makipag-date.’ Sagot nito kaya naman napangiti ako. Di ko aakalain na parehas lang kami first time na  makikipag-date.

‘Tara. Ahmm anong gusto mong kainin?’ luminga-linga ako. Ano kaya masarap kainan dito?

‘Sandra?’ tawag ko habang naghahanap ng makakain. Nilingon ko siya at nakalingon siya sa bandang gilid na kakaunti lang ang tao at medyo madilim na kasi hapon na eh.

‘Hoy.’ Bulong ko sa tenga niya at napatingin siya sa akin.

‘Ano nga yun?’ tanong niya. Tsssss.

‘Sabi ko anong gusto mong kainin?’ pag-uulit ko at tumingin siya sa maraming tao.

‘Pupunta lang ako sa restroom. Dun ka muna sa tusok-tusok. Antayin mo ako dun.’ Sabi niya. Kaya naman taka ko siyang tinignan.

‘Please? Kahit anong mangyari wag kang aalis dun. Dali na.’ tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kamay niya at tinulak niya ako ng mahina.

‘Babalik ka ah?’ sabi ko. At tumango siya. Kaya naman naglakad na ako papunta sa tusok-tusok.

Ano ba yung kulay orange na bilog? Nakakain ba to? Malinis ba tong mga to. Napatingin ako sa mga taong kumakain mga nakangiti sila. Mukhang sarap na sarap sa pagkain ng tusok-tusok.

Sandra POV

Sinulyapan ko ulit si Ken baka kasi sinundan niya ako. Kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan nila Blue. 

‘Mukhang may date ka Sandra?’ nakangising tanong ni Blue habang naninigarilyo.

‘Anong kailangan mo?’ inis kong tanong.

‘Ikaw.’ Sagot niya kaya napangiwi ako.

‘Namiss kita. Sayang hindi kita masyadong napuruhan. Naawa kasi ako sayo eh.’ Malungkot niyang sabi. 

‘Kilala kita. Tandaan mo Blue. Sa oras na may mangyaring masama kay Ken hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka.’ Tiim-bagang kong sabi at natawa siya.

‘HAHAHA!! Yan ang gusto ko sayo Sandra!! Bakit natatakot ka bang mawalan ka ulit ng taong mahal?’ kaya naman napakagat ako sa labi ko. Tama na ang isa. Wag nang dumagdag pa dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa oras na mawala sa akin si Ken.

‘Shut up.’ Inis kong sabi at tinalikuran siya.

‘Ayaw mo bang malaman kung bakit ko pinatay ang kuya mo? Hindi ka man lang ba magtatanong sa akin?’ kumunot ang noo ko at humarap ulit kay Blue.

‘Para saan pa? Bakit kapag tinanong ba kita mababalik mo ang Kuya ko?’ tanong ko at nilapitan niya ako.

‘Sandra…Dalawa ang dahilan ko kung bakit ko pinatay ang Kuya mo.’ Lumapit pa si Blue sa akin yung tipong konting tulak na lang mahahalikan na niya ako. Una dahil sa rank na gusto kong makuha ulit sayo hinawakan niya yung baba ko at tinitigan niya yung labi ko. Pangalawa dahil may nag-utos sa akin. Sa sinabi niya na yun bigla akong nabingi. Goodluck sa laban naten next week.’ Naramdaman ko na lang na hinalikan ako ni Blue sa pisngi at umalis na sa harap ko.

Napaupo ako sa pathwalk at hinilot ko yung noo ko. May nag-utos sa kanya na patayin ang kuya ko? Sino? Bakit? Anong kasalanan ng kuya ko sa kanya? Damn it!

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now